CHAPTER 29

6.1K 247 12
                                    

Chapter 29: Escaped

SINUGOD ni Calum ang mga kalaban at isa-isa itong napatumba. Agad niya akong tinago  sa likod niya at hinarap ang mga taong nagbabalak sa amin nang masama.

"Okay ka lang ba, Ysa? You need to be careful, they are on different levels."

Naguluhan ako sa sinabi ni Calum na nagpakunot sa noo ko. Ano bang mayroon sa kanila? Ano't ganoon na lang ang kabang nakikita ko sa mukha niya? Na saan na iyong Calum na nakita ko noon sa arena na tawa nang tawa sa kinakalaban niya?

"H-ha? B-bakit?" Ayan na naman ang kuryosidad ko. Gustong-gusto kong malaman kung bakit ganito na lang ang inaasta niya.

Hindi niya pinansin ang tanong kong iyon.

"F*ck! Na saan na ba ang Lolargang 'yon! I can't handle all of them!" inis na bulong niya ngunit dinig na dinig ko naman.

"Cal, sabihin mo! Anong mayroon sa kanila? Ganoon ba sila kadelikado? Alam kong kaya mo sila," kinakabahang usal ko.

Nagsimulang magtayuan ang mga napatumba ni Calum na nagpalaki sa mata ko.

"Ang sarap ng warm up!"

"Bwisit na babaeng 'yon, ah?"

"'Yon lang ba 'yon?"

"Tama na ang laro mga hunghang!" sigaw nang matabang lalaking iyon.

Laro? Laro lang ba iyon para sa kanila? Kinilabutan ako sa sa mga ngisi nila pati na rin sa matabang lalaking iyon.

Ilang ulit na nagmura si Cal pero hindi ko na iyon pinansin dahil may naaninaw akong bulto ng tao sa likod ng mga puno. Tila tinakasan ako ng lakas ng binilang ko ang mga taong nanonood lang sa amin mula sa dilim.

Lagpas sa mga daliri ko ang bilang nilang lahat. Ano't hindi ko man lang ito napansin kanina? Ang pag-aakala ko ay labing lima lang ang kalaban naming lahat.

Palabas lang ba ang lahat ng matabang lalaking iyon na ganito lang ang bilang nila para hindi namin mapansin na marami sila? Namin?  Posible bang alam na ni Cal iyon sa simula't sapul pa lamang?

"I can't handle all of them, Ysa. They're not just 15, more numbers of them are in the woods, hiding in the dark."

Mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa kabang nadarama. Napasapo ako sa bibig, totoo ngang alam na niya sa simula pa lamang. Ako lang 'yong walang kaalam-alam.

"A-anong gang ba sila?" wala sa sariling tanong ko.

"They are not gangsters, Ysa."

"Ha?"

"What I mean is. . . they are the yakuza's."

Yakuza? Ano ba 'yon?

"A-anong—"

"It's a japanese mafia group. At alam kong si Leo lang ang may kakayahang magpapunta ng mga taong 'to rito. D*mn! Wala ako sa kalingkingan nila! Hindi ko alam kung makakaya ko sila!" Tumingin si Calum sa akin. "You need to escaped! Gawin mo ang lahat para makatakas dito, Ysa. Promise me that!"

Ang tinutukoy niya bang Leo ay 'yong leader  ng serpent gang?

"P-pero hindi kita p-puwedeng—"

"Just saved yourself! Don't mind me!" sigaw niya na nagpaigtad sa akin.

"C-Calum. . ."

"Just go!"

"A-ayoko!" pagpupumilit ko pa.

May tatlong sumugod na kalaban at agad niya akong prinotektahan. Napatumba ni Cal ang dalawa ngunit ang isa ay papunta sa akin.

May hawak na tubo ang lalaki na naging dahilan para mapaatras ako. Napalunok ako, ang laki niyang tao. Paano ko 'yan mapatutumba?

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz