CHAPTER 25

7K 310 169
                                    

Chapter 25: Thank you



ILANG ulit akong napabalik-balik sa loob ng kwarto at nang magkalakas ng loob ay inabot ko ang door knob. Pinihit ko ito at tuluyan nang humakbang palabas.

Noon ay sobrang dilim talaga kapag lalabas ng kwarto, ngayon ay may ilaw na ito ngunit hindi gaanong maliwanag, sakto lang para makakita. Pinalagyan kasi iyon ni Con, naninilaw ang ilaw kaya hindi nakasisilaw.

Bumungad sa akin ang apat na nakahiga sa bawat sofa. Natawa ako sa sitwasyon nilang lahat. Ang mga paa nila ay hindi kasya sa sofa. Bakit kaya hindi na lang sila sa kuwarto ni Con natulog?

Biglang umikot si Calum kaya nalaglag siya sa sahig. Dadaluhan ko sana kaso parang himbing na himbing pa rin iyon sa pagtulog, nakanganga pa. Mukhang sanay nga silang matulog sa kahit anong posisyon at lugar.

Napatingin ako kay Shun at Tim, magkayakap ang dalawa, pinag-isa nila 'yong sofang hinigaan ng bawat isa. Napadako ang mata ko kay Areon, nakaharap lang ito sa kisame at nakadantay ang braso nito sa kanyang mata para matabunan.

Mukhang himbing na himbing silang lahat dahil hindi sila nagising sa presinsya ko. Bahagya akong nakayuko habang naglalakad sa sakit ng puson at lumapit sa kanilang apat. Inayos ko ang kumot ng bawat isa at napagpasyahang magtungo sa kwarto ni Con.

Kakatok ba ako? O papasok na lang? Tiyak na magagalit iyon, may rule pa naman kami. Ilang minuto akong nag-isip sa harap ng kuwarto niya. Bakit ba kasi ganitong oras pa? Mamaya na lang kaya?

Nakadidiri naman, magkakalat pa ako! Ang layo ng pinakamalapit na tindahan dito. Napabuntong hininga ako at nilakasan ang loob. Napapikit ako at ainimulang katokin ang kuwarto niya.

"Con?" mahina kong tawag pero walang sumagot. Inulit ko ang pagkatok. "Con? Gising k-ka ba?" Hinintay kong magbukas ang pinto pero wala pa rin.

Nasa kalagitnaan yata ng panaginip iyon. Mamaya na nga lang, ako na lang siguro ang bibili. Pati na rin 'yong pain reliver. Sa pagtayo ko sa harap ng pinto niya ay parang pinipilipit ang loob ng puson ko na ewan.

Ito talaga 'yong nakaiirita. Hindi mo alam kung saang parte ang masakit, parang buong katawan na yata kapag andiyan ang buwanang dalaw mo. Parang gustong kong humilata buong magdamag o hindi kaya daganan na lang iyong puson ko para maibsan ang sakit.

Aalis na sana ako sa harap ng pinto  niya marinig kong bumukas ito. Bumungad sa akin ang magulo nitong na may nagungunot na noo.

"Why so early, Ysa? Anything happens?" Biglang nag-alala ang mukha nito. "Your wound, is it okay?" Kinuha nito ang kamay ko at sinuri.

Awtomatikong nag-iskandalo ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon.

"A-ano. . . kasi. . ." hindi ko matuloy-tuloy ang dapat sabihin dahil ginapangan ako ng hiya. Marahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya. Napaiwas ako ng tingin. Napangiwi ako sa pagsakit ng puson ko. Hindi tuloy naging tuwid ang pagkatatayo ko sa harap niya. Mukhang hindi iyon nakalampas sa paningin ni Con kaya agad siyang nag-react.

Hinawakan ako nito sa balikat. "What happened? May masakit ba sa 'yo? Do you want me to call for an ambulance? Hey, Ysa?!"

Ambulansya talaga? Hindi ko rin minsan malaman kung over acting lang ba itong si Con o hindi kaya inosenteng nilalang.

"Ano. . .puwedeng ano. . ."

"P'wedeng?"

"P'wede mo ba akong bilhan ng napkin?!" dirediretso kong sabi at napapikit. Nag-init ang magkabila kong pisngi matapos na sabihin iyon.

Akala ko ay aangal si Con pero wala akong natanggap na reklamo. Minsan kasi ayaw na ayaw ng mga lalaking gumawa ng mga ganiyan. Hindi ko naman nilalahat pero iyon kasi ang kalimitang nakikita ko kaya hindi ko maiwasan sabihin iyon.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Where stories live. Discover now