CHAPTER 16

7.4K 293 2
                                    

Chapter 16: A Warning



“PATAWAD, iha. Patawad. Hindi ko sinasadya na banggain ka. Napag. . . napag. . . napag-utusan lang ako! Pasensiya na. Hindi ko nais na gawan ka nang gano’n. B-in-lack mail nila ako. S-s-sasaktan daw nila ang  a-anak ko. W-wala akong magawa. Patawad!” Halos yakapain na nito ang sapatos ko habang nakaluhod. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nito at natitiyak kong hindi biro ang dahilan n'yon.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Sinong nila? At bakit ako pagtatangkaang saktan ng mga taong iyon? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong kaaway at kahit kailan ay hindi ako naghamon ng mga tao para sa away.

Posible bang. . .

Napalingon ako kay Con, seryoso lang na nakatuon ang atensyon nito sa mamang iyon at agad na napatingin sa akin.

Posible kayang dahil sa kanila? Hindi na maipagkakaila na noong nasa café ako ay may nagtangka na sa buhay ko at ang rason niyon ay si Con. Maaring oo at maari ring hindi na iisa lang ang taong may pakana no’n. 

Sa ilang buwan na magkasama kami ni Con ay parang napakamisteryoso pa rin nito. May mga pagkakataong maloko ito at may beses rin na ibang-iba ang ugali nito sa nakasanayan ko. Hindi ko mabasa-basa ang nilalaman ng isip niya, napakahirap buksan n’yon.

Oo, gangster sila pero para sa ’kin parang pamilya ko na silang lahat. Hindi ko man aminin, e, napalapit na nang tuluyan ang loob ko sa kanilang lima. Nasanay na ako sa maiingay nilang mga patutsada pero napapaisip din ako minsan, pamilya rin kaya ang turing nila sa ’kin?

“Patawad, iha!” palahaw ng mama.

Nabalik ako bigla sa wisyo nang marinig ang boses ng mamang iyon. Nahabag ako sa sitwasiyon niya kaya sa pagkakataong iyon ay hinawakan ko na ang magkabilaang balikat nito. Napaangat siya ng ulo at sinalubong ang tingin ko. Puno ng luha at pagsisisi ang mata nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng awa. Muli siyang napayuko na naging dahilan para mas lalo ko siyang tulungang tumayo.

“Manong, okay lang po ako. Tumayo na po kayo riyan. Wala naman akong seryosong natamo. Naiintidihan ko po kayo,” malumanay na usal ko.

Nang magtama ang mata namin ay mas lalo siyang humagulgol. Dinaluhan ko ito at patuloy pa rin siya sa paghingi ng tawad. Napatayo na siya nang tuluyan.

“Okay lang po talaga ako, manong,” kumbinsi ko sa kanya na nagpahina sa pag-iyak nito. Binigyan ko siya nang naniniguradong ngiti.

Dahil nasa harap lang naman kami ng gate ng apartment ay inabot ko iyon. Gusto ko muna siyang papasukin at painomin ng tubig para kumalma naman siya. Akma ko na sanang bubuksan ang gate pero natigil iyon nang hawakan ni Con.

Napaangat ang ulo ko at sinalubong ang seryoso nitong ekspresiyon. Umiling siya sa akin ngunit hindi iyon naging dahilan para mapabitaw ako nang tuluyan sa bakal na gate. Naging dahilan rin iyon para magtiim ang bagang nito. Napalunok tuloy ako at dahan-dahang napabitaw.

May parte sa puso ko na nagsasabing dapat siyang sundin sa mga gusto niya. At ayaw kong magalit siya dahil sa mga ginagawa ko. Pero may parteng nagpoprotesta at hindi ko maintindihan ’yon.

Bakit Con? Hindi talaga kita maintindihan. Ano’t ganito ka ngayon? Parang mas mahirap ka pang sagutan sa matematika, sobra pa sa el fili at noli ng ating bayani, lalong-lalo na ay mas komplikado pa sa sisensiya na hindi ko makuha-kuha ang naaayong elemento ng iyong pag-uugali.

Napaiwas ako nang tingin at napabalik iyon kay manong. Ngumiti ako sa kanya. “Nasisigurado ko pong okay lang ako manong. Sana po ay maging nasa maayos na kalagayan ang anak mo. Kung sino mang nag-black mail sa ’yo ay nasisigurado naming mahuhuli iyon sa lalo madaling panahon.”

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat