CHAPTER 8

8.3K 378 98
                                    

Chapter 8: Cry



PABALIK-BALIK akong naglalakad sa kusina at ilang beses na napapainom sa bawat minutong tumatakbo. Natapos ko na ang pagluluto ng adobo dahil iyon ang gustong maging ulam namin ni Con ngayong gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Napapahid ako sa namuong pawis  na nasa noo at napaupo ulit.

Pinauna ako si Con papauwi at ako lahat ang nagdala ng mga pinamili namin. Apat na oras! Apat na oras nang nakalipas at wala pa rin ito sa apartment namin.

Ano na ba ang nangyari kay Con? Okay lang ba siya? Bakit ba ako pumayag na mauna? Hindi ko mapigilang huwag mag-isip ng hindi maganda. Baka. . .baka kung anong na ang nangyari sa kanya. Hala!

Marahas akong napatayo dahil sa naisip. “Ysa naman! Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!” saway ko sa sarili.

Dahil ukupado ang isip kay Con ay hindi ko na napansing napalakad na ako papunta sa pinto. Binuksan ko 'yon at sinilip kung nandoon na ba siya sa labas pero wala. Mas lalo lang tuloy akong namawis nang malamig.

Sino ba 'yong mga lalaking iyon? Bakit nila kami sinusundan? Kaaway ba iyon ni Con? Nabugbog o ano? Con ano ba ang atraso mo sa kanila at hinahabol ka?

Napaupo ako sa sofa at napakutkot sa daliri. Hindi pa man nag-iinit ang puwetan ko sa upuan ay agad akong napatayo nang makarinig nang ingay na nanggagaling sa labas. Humahangos akong napapunta sa pinto at binuksan iyon. Lumantad ang bulto ng limang lalaki na nakapasok na sa gate namin. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila dahil nakatalikod sila sa pinagmumulan ng ilaw sa kalye.

Kumabog ng husto ang dibdib ko at napaatras ngunit ganoon na lang ang pagkawala ng kaba ko nang matamaan ng ilaw na nanggagaling rito ang mga mukha nila. Napasapo ako sa bibig nang makikilala ang mga taong iyon. Tila sa isang iglap ay nasa unahan ko na sila, hindi ko man lang naramdaman na tumakbo pala ako sa kanilang kinaroroonan.

“A-anong nangyari sa kanya?” tanong ko at papalit-palit na tiningnan sina Areon at Shun. “Con? Con?” Marahan kong tinapik ang pisngi nito kaya unti-unti niyang minulat ang mata. “Okay ka lang ba?”

Gusto kong batukan ang sarili sa katangahang pagtatanong. Malamang Ysa, hindi siya okay hindi ba halata sa lagay niya?

Ngumisi lang si Con sa 'kin at pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita ito. “I'm okay. Konting galos lang 'to.”

Naglakad na kaming lahat papasok sa apartment at doon mas lalong lumantad ang sitwasyon nilang lima.

“Baliw ba kayo ha?!” may bahid nang inis ang pagkakasabi ko sa kanila at sinamaan nang tingin. Pilit kong pinipigilan na maiyak sa harap nilang lahat. “Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa inyo o maawa! Paano kung. . .paano kung may masamang nangyari sa inyo h-ha?” nabasag ang boses ko sa huli kaya minabuti ko na lang na tumalikod at pumunta sa kwarto.

Hinanap ko ang first aid kit na nadoon. Huminga ako nang malalim para mawala ang nararamdaman. Agad kong pinahiran ang tumulong luha pisngi ko at inayos ang sarili.

Nakakainis sila! Paano pala kapag iba ang ginawa sa kanila ng mga taong humahabol sa amin kanina ni Con? Paano kung nabaril sila? Nasaksak? Lahat sila ay puro pasa at putok ang mga labi. Alam kong ang mga taong humahabol na iyon ang may gawa sa kanila no'n. Hindi ako tanga.

Bumalik na ulit ako sa living room kung saan nakaupo na sila at may sari-sariling puwesto. Napatigil sila sa pag-uusap at napaayos nang upo nang makita ako. Mas lalo akong nainis dahil parang wala yata silang balak na magkwento. Tahimik lang sila at sinusundan ang bawat galaw ko.

"Wala ba kayong balak na magsalita?" Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng betadine. Pinili ko talaga 'yong betadine na mayroong alcohol para ramdam nila ang sakit. Ayaw nilang magsalita ah.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Where stories live. Discover now