CHAPTER 18

7.2K 274 44
                                    

Chapter 18: Danger



NAPUTOL ang pagkatutulala ko sa bintana nang maulinigan ang mahinang pagtawa ni Areon. Mabilis na nangunot ang noo ko matapos mapalingon sa kanyang gawi. Siya ang nakatokang maghatid-sundo sa akin ngayong araw.

“Anong nakatatawa?” pagsusungit ko.

Mas lalo siyang natawa sa tinuran ko na naging dahilan para mapasimangot ako ng tuluyan.  “Calum seems telling the truth. Nagsusungit ka na nga. He said, miss mo na raw si Con kaya ka nagkakaganyan. It’s really true huh?” Napailing ito saka saglit na tinapunan ako ng tingin.

Napamulagat ako sa narinig. “A-anong miss? H-hindi ah! B-bakit k-ko naman s-siya m-mami-miss? H-hindi naman siya umalis.”

Mahinang siyang natawa. “Ysa, you’re too obvious.”

“A-anong o-obvious?” utal kong tanong. Kahit na may alam ako sa ibig nitong pakahulugan ay hindi ko iyon pinatuunan ng pansin.

“Obvious. Halata. Masyado?” patanong na aniya.

“H-hindi kita maintindihan, Areon,”

“You don’t need to. Focus on what you need to understand, the one’s hiding beneath your heart.”

Mas lalong tumindi ang pagtibok ng puso ko. Wala sa sariling napahawak ako rito. “H-hindi talaga kita m-maintindihan.”

“I know you, Ysa. You’re smart, I know you will.” Nanahimik na ito at pinapatuloy ang pagmamaneho.

Hindi pa rin maalis-alis ang tingin ko kay Areon hanggang sa hindi ko na napansin na nasa parking lot na pala kami ng G high.

“Ysa, if someone’s lurking around or you felt that something was wrong around you, don’t hesitate to call one of us, okay? Be careful.” Ngumiti ito pagkatapos na sabihin iyon.

Nagpaalam na siya at ganoon na lang din ang ginawa ko. Hindi man nila sabihin, mas lalong naging alerto ang bawat isa tuwing hinahatid at sundo ako simula no’ng may sumunod sa amin ni Calum.

Ganito sila sa akin pero wala pa rin akong masyadong alam. Kapag naman mapupunta ang diskusiyon sa topiking iyon ay palaging iniiwas ng bawat isa ang pinag-uusapan. Sa ginagawa nilang iyon ay mas lalong tumitindi ang kuryusidad ko.

Palihim akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila pero parang mas lalo nilang pinag-iigihang hindi ko iyon marinig.

May isang beses pang narinig ko sa kanilang pinag-uusapan ang salitang  gang fight at underground ngunit bukod doon ay wala na akong nalalaman pa sa salitang iyon. Idagdag pa iyong naririnig ko palagi sa pinag-uusapan nila ang serpent gang.

Sa bawat nakukuha kong impormasyon ay napagtatagpi-tagpi ko iyon,  subalit, hindi iyon sapat para malaman nang tuluyang ang mundong ginagawalan nilang lima.

You don’t need to. Focus on what you need to understand, the one’s hiding beneath your heart.

Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Calum sa akin na naging dahilan para mawalan ako ng pokus sa paglalakad kaya napahawak na lang ako sa noo nang may mabanggang tao.

“S-sorry,” paumanhin ko sa taong nakabungguan.

“Spacing out too much is dangerous.” Tumawa ang taong iyon na kalaunanan ay nakilala ko.

“Ivan, ikaw pala. Sorry ulit, hindi kita napansin, e.”

"No need to apologize, it’s okay, Ysa.”

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at sumabay na lang sa akin si Ivan. Napatingin ako sa kanya at agad na napaiwas kapag titingin siya. May gusto akong itanong, nagbabakasakaling may alam siya.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Where stories live. Discover now