CHAPTER 15

7.6K 329 11
                                    

Chapter 15: Don't



NAPADAING ako nang bumaba na sa bisekleta at inayos ang pagkakatayo nito. Sinigurado kong hindi ito matutumba nang umalis na. Dahan-dahan akong naglakad dahil sa hapdi ng gasgas na nakuha ko kanina. Magkabilaang tuhod pa iyon.

Mahapdi tuwing humahakbang ako at napapakagat na lang sa pang-ibabang labi, tila nadadagdagan ang hapdi no'n kapag umiihip ang hangin.

“Hi, Ysa!” Tinapik nito ang balikat ko at agad siyang napatingin sa dalawang tuhod. Napalingon ako sa kanya, nagtataka. “What the! Anong nangyari r’yan? Nadapa ka ba?” nanlalaking matang aniya.

Gulat ko siyang tiningnan nang hawakan nito ang braso ko na animo’y umalalay matapos makita ang mga gasgas sa tuhod. Nahihiya kong sinalubong ang nag-aalala nitong tingin.

“A-ano. . . k-kasi nasanggi iyong b-bisekleta ko kanina noong papunta ako rito sa eskwelahan ng isang k-kotse,” pahinang-pahina na usal ko.

Napadako ang tingin ko sa kamay nitong nakahawak sa balikat ko. Agad akong napatingin sa paligid, kahit na sabihin ni Con dati na huwag pansinin ang mga taong tila inuusig ako ay hindi pa rin pala nawawala iyon. May konting parte pa rin sa akin na dapat bigyan iyon ng pansin.

Noon ay tila isa akong kandilang nauupos kapag tinitingnan nila. Hindi ko alam pero hindi na iyon gaya ng dati. Nalalabanan ko na ang paninitig nila at alam ko na kung paano huwag pansinin iyon. Subalit, gaya nga ng sabi ko, may konting parte pa rin na binibigyan ko ng pansin ang mga iniisip nila.

Ipinagpatuloy pa rin naming ang paglalakad subalit napatigil ako nang tumigil si Ivan at humarap sa akin.

“What? Nanagot ba ang taong nakabangga sa ’yo, Ysa?” Umiling lang ako na ikinatangis ng panga nito “Hit and run? Natatandaan mo ba ang kotse? Ang plate number nito? Ako na ang bahala ro’n!” determinadong aniya.

“A-ano. . .hindi, e. Hayaan mo na, o-okay naman ako,”  alangan kong sagot sa kanya.

“Okay ka ba sa lagay na ’yan? Look at yourself, Ysa,” may bahid na panenermong anito.

Napatigil ako sa sinabi niyang iyon. Ano’t bakit ganito siya makaasta sa harap ko? Bakit siya itong nagagalit samantalang ako iyong napuruhan? Diba ako dapat iyon? At bakit ganito siya? Diba dapat magalit ito sa akin dahil palagi kong kasama si Con at may ginawa siya sa kanya?

“Ivan—” naputol ang nais ko sanang sasabihin nang dumaan sa gitna namin si Con sukbit ang bag nito sa balikat.

Con. . .

“Ang lapad ng daan, pare.  Kitang nag-uusap kami,” inis na wika ni Ivan.

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Napapikit na lamang ako nang huminto si Con. Dumagundong ng husto ang dibdib ko nang pumihit ang katawan nito paharap ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin kagaya ng ginawa nito sa apartment. Biglang may kumirot sa dibdib ko at mas mahapdi pa iyon sa gasgas na natamo.

Nagsukatan ng tingin sina Ivan at Con kaya agad akong naalarma ng mapansing kumuyom ang kamao ni Ivan. Mabilis akong pumagitna sa kanila at hinarap si Ivan.

“Ivan tara na.” Buong lakas kong hinila si Ivan para malayo kay Con dahil alam kong kahit anong oras ay aamba ito ng suntok. Mabuti na lamang at nagpahila siya sa akin kaya hindi ako nahirapan.

Muli kong nilingon si Con sa kinalalagyan nito.

Kakaibang tingin ang pinupukol nito sa likod ni Ivan at hindi ko lubos maisip bakit ganoon na lang siya makatitig. Kagaya ng kay Ivan ay nakakuyom rin ang kamao nito. Hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinalalagyan ngunit ganoon na lang ang pamimilog ng mata ko at  halos mapigil ko ang  hininga nang magtagpo ang mata naming dalawa.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Where stories live. Discover now