CHAPTER 6

9.3K 374 65
                                    

Chapter 6: Cupcake

“YSA, p'wede mo bang ipa-photo copy ito sa labas ng school? Doon lang sa may harap ng G high. Sira kasi rito ang mga photocopier, ” pakiusap ni Ma'am Echavez sa 'kin.

“Oo naman ma'am, ilang copies po ba?” Inabot ko 'yon at maingat na nilagay sa folder para iwas lukot na rin.

“50 copies, Ysa.”

“Okay po ma'am.” Nagpaalam na ako at lumabas na sa office niya.

May mangilan-ngilan akong nakikitang mga kaklase ko na nag-iikot sa campus. Nginitian ko lang sila bilang pagbati. Wala kasing klase ang isang subject namin ngayon kaya tumutulong ako rito sa office ni ma'am.

Pinapanalangin ko na sana ay huwag magkrus ang landas namin ni Cyrene at ng mga alipores niya. Baka kung ano na naman ang gawin nito sa 'kin at masira pa itong dapat na ipa-photo copy ko.

Mabilis ang bawat paghakbang ko patungo sa main entrance ng G high at walang namang naging hadlang hanggang sa makalabas ako. Nagbigay lang ako ng slip doon sa guard para makalabas ako ng campus. Bawal kasi ang basta-basta na lang na paglabas during class hours. 'Yong ibang school nga rito sa Caloocan ay pup'wede namang makalabas-masok. Siguro nga ay nasa ibang level ang G high kaya gano'n na lang ito kastrikto. Okay naman iyon para sa akin.

Sinugurado ko munang walang sasakyang paparating bago ako tumawid. Mas mabuti nang maging maingat dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka magiging safe. Maikli lang ang buhay natin kaya dapat nating alagaan iyon at huwag sayangin.

Ilang minuto lang na paghihintay ay natapos ko rin ang pinapagawa ni Ma'am Echavez. Subalit, napatigil ako nang kumalam ang sikmura ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para makahanap ng covinient store na malapit lang rito. Hindi ako nag-atubiling maglakad sa nakitang convinient store.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng kung anong biskwit na mas mura nang mabangga ako ng kung sino.

“Sorry po! Hindi kita nakita!” Paumanhin ko. Isa-isa kong pinulot ang nagkalat na mga test paper at nilagay 'yon sa folder na dala ko. Sinabayan din niya ang pagpulot ko ng ibang mga test paper at inabot iyon sa akin. “Salamat po,” nahihiyang tugon ko.

Napaangat ako nang tingin nang tumawa ito. “Stop being too formal and quit using po. Hindi pa ako matanda, you know.”

“S-sorry p—sorry! Hindi talaga kita nakita.” Napapatitig ako sa uniporme nito. May naka-engrave na logo ng G high doon. Hindi siya pamilyar sa 'kin o sadyang hindi ko lang talaga siya napapansin? Pero, sa gwapo niyang 'to? Tiyak na agaw pansin ito at palilibutan agad ng mga kababaehan sa G high. Impossible namang hindi ko siya mapapansin.

“Here.” Inabot niya sa 'kin ang ilang test paper na pinulot niya 'saka ngumiti.

“Salamat.” Ngumiti ako ng bahagya dahil nakakailang ang presensya niya't paninitig. Umiwas agad ako nang tingin para hindi na muling magsalubong ang mga mata namin.

Bakit ba siya titig na titig sa akin? Hindi ba siya makaramdam ng hiya man lang? Ngayon pa lang kami nagkita at nagkabanggaan pa tapos ganito siya.

“Sige, mauna na ako ah? Salamat at pasensya na ulit,” wika ko at tsaka nilagpasan ang lalaking iyon.

Nangungunot ang noo akong nagtungo sa cashier. Hindi ko na nilingon ang lalaking iyon dahil nakakailang talaga siya, sobra! Matapos na bayaran ang biniling biskwit ay umalis na ako at nagtungo sa G high.

“Heto na po ma'am,”

“Ilapag mo na lang d'yan Ysa sa desk ko. Salamat! Mabuti na lang at hindi ka kagaya ng ibang estudyante rito sa G high. Hay. . .”

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Where stories live. Discover now