CHAPTER 28

6.4K 262 35
                                    

Chapter 28: Attacked


"CAL, MAY girlfriend ka na ba?" biglang tanong ko habang tinatahak ng kotse niya ang daan pauwi.

Napatigil ito sa pagmamaneho at nanlalaking matang tiningnan ako. Nangunot ang noo ko sa inakto nito.

Napabitaw ito bigla sa manebela at nilagay ang kamay sa dibdib.

"Ysa, baka kapag nalaman ni Con na may feelings ka sa 'kin ay baka itakwil ako no'n bilang kaibigan. I'm not available, Ysa. Maghanap ka na lang ng ibang magugustuhan mo. Soryy I'm not interested to you," gulat pa ring aniya. Napausog siya ng kaunti palayo sa akin.

Lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Baliw! Asa ka naman! Hindi kita gust—" pinutol niya ang sinasabi ko at nagsalita.

"Kasi nga gusto mo si baby Con-con namin," ngising usal niya.

Pinamulahan ako sa sinabi nito at agad na napaiwas ng tingin sa kan'ya.  "B-Bakit napunta s-sa akin 'yan? T-tinanong lang naman kita k-kung may girlfriend k-ka na ba, e. H-hindi ko n-naman sinabing. . . "

Narinig ko ang paghagalpak niya sa tawa kaya napabaling akong muli sa kan'ya.

"Wala akong girlfriend," sagot nito at sinimulang muli ang pagda-drive.

"Kalandian lang?" agad kong kontra habang nakapaiiling na nagpatawa sa kan'ya.

"Oo?" biro nito at tumawa mgunit kalauna'y sumeryoso rin. "Delikado, e," dagdag nito na nagpatigil sa akin.

Bigla kong naalala ang namatay na girlfriend ni Areon—si Lisa. Sabi nila, siya raw ang napagbuntungan nang galit ng kalaban nilang gang noon. Dinukot siya at pinahirapan.

Nagtagumpay naman silang makuha ang girlfriend ni Areon pero huli na ang lahat. Hindi na nakayanan ng katawan niya ang hirap at sakit na dinanas.

Alam kong napakapait na alaala ang nangyari sa kan'ya dahil kitang-kita ko pa rin ang sakit sa mata nilang lahat lalong-lalo na si Areon. Ako man ay nalulungkot sa pangyayaring iyon kahit na hindi ko nakilala si Lisa.

Naputol na lang ang pag-iisip ko nang may bumangga sa kotse ni Calum. Napasigaw ako sa gulat dahil sa lakas nang pagkabangga nito sa likod namin. Nanlaki ang mata kong napatingin kay Cal na ngayon ay nakasilip sa rear view mirror.

"Sh*t!!! My car! Who the f*ck is that bastard?!" inis na saad niya.

Napalingon ako sa likod para malaman kung ano ang bumangga sa amin. Sa kadiliman ngayon ay hindi ko maaninag ang nasa likod ngunit  dahil sa mga liwanag ng ibang sasakyan at pati na rin sa liwanag na binibigay ng mga street lights ay naaninaw ko ang kotseng iyon.

Isang pulang sasakyan!

"Cal! Sino sila? Kalaban ba? Kilala mo ba?" sunod-sunod kong tanong.

Hindi niya ako sinagot. Napasigaw akong muli nang banggain kami sa ikalawang pagkakataon. Napamura na lang lang si Cal at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo ng sasakyan.

Ginapangangan ako ng kaba dahil patuloy pa rin ito sa pagsunod sa amin. Anong pakay nila? Hindi ko man sila kilala ay ramdam ko ang panganib na dala ng mga taong nasa loob ng kotseng iyon.

"F*ck! Bakit ngayon pa? Sh*t! Sh*t!" asik ni Cal.

"Ahh!" sigaw kong muli nang malakas na pagbangga ulit ang ginawa ng kotseng sumusunod sa amin. Napahawak ako sa noo ko dahil tumama iyon sa  bintana.

Hindi ko lubos maisip na nagagawa nilang sabayan ang bilis nang pagpapatakbo ni Cal ng kotse. Napakabilis na nito bakit abot pa rin nila?

Napalingon akong muli at laking gulat ko na naging dalawa na ito. May kasama na itong itim na kotse. Mas lalo nilang binilisan ang pagpapatakbo at pinagitnaan ang kotse ni Calum.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant