CHAPTER 21

6.7K 273 71
                                    

Chapter 21: Her Son



HINARAP ako ni Tita Canthy. “Sorry about that, Ysa. I don’t like the both of them but I need to invite them here. You know, business thingy.” Kumibit-balikat ito. “Are you all right? Uhm. . . well, as you can see, I know all the things that her daughter did to you. My threats are partly true if ever na gumawa sila ng commotion dito. That's the power of a Lolarga.” Tumawa ito sa akin na nagpaawang ng labi ko.

Hindi nagmamalaki ang pagkakasabi nito ngunit nagsasabi ng totoo. Ganoon na ba sila kayaman? At makapangyarihan? Grabe!

“Hon, Mrs. Vasques wants to talk to you.” Biglang may lumapit sa aming lalaki at mas lalo akong napanganga. Napakagwapo!

Kinabig nito sa bewang si Tita Canthy pero napatigil nang makita ako. “nga pala, hon, this is Ysabelle, iyong sinabi ko sa iyo. Ysa, this is my husband, Onard,” ngiting pagpakikilala niya.

“Ah! That girl. It’s nice to meet you, iha. Tama nga ang sinasabi ng asawa ko, bagay kayo ni—”

“Honey!” suway ni tita. Napatawa si Tito Onard nang pinalo siya ni tita.

“Okay, okay. I’ll stop, hon.” Mapang-asar na tumawa si tito kaya pinalo siya ulit ni tita.

“Maiwan ko na muna kayo rito, Ysa ha? Clin, please assist Ysa ha?”

“Yes tita, I will.” Nagulat ako nang may sumabat sa tabi ko. Muli akong napatingin kay Clin, nandito pa pala ‘to?

Nag-aasaran ang mag-asawa nang umalis sa table namin. Napaupo na lang ulit ako pero bago iyon ay inayos ni Clin ang uupuan ko.

“S-salamat,” ilang na wika ko.

“Where’s your school hmm?” biglang tanong nito.

Ewan ko ba pero nakakailang ang paninitig nito kaya hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.

“Ah. . . ano. . . sa G high.”

“Ow. Really? Why did you chose that school? It’s expensive. You know, it’s just for the rich people.” Kumibit-balikat ito.

Sa akin lang ba ito na parang nakaiinsulto ‘yong pagkakasabi niya no’n? Ayokong manghusga agad ngunit hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila nito.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang lakas ng mga pang-amoy ng mga taong ganito. Hindi mo pa nga nahahawakan, umaalingasaw na ang baho.

“So. . . do you have a boyfriend?” dagdag pa nito na wala namang koneksiyon sa mga naunang mga tanong.

Akma na akong magsasalita ngunit sumabat ang pamilyar na boses na nagmumula sa aking likuran.

“I’m her boyfriend. Problem with that, Clin?”

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at halos mabingi ako sa dagundong ng dibdib ko. Halos mapigil ko ang hininga nang pihitin ang katawan para makita ang lalaking iyon. Awtomatiko akong napatayo nang magtagpo ang paningin naming dalawa kasabay nang hiyawan ng mga taong nakasunod sa kanya.

B-boyfriend? Alam kong nagsisinungaling lang si Con pero ano itong nagsasaya sa puso ko? Humihiling ang isang parte ng puso ko na sana ay totoo ang sinabi nito.

Doon ko rin nalaman na kasama nito ang mga kaibigan. Naka-casual wear lang ang mga ito pero animo’y mga modelo ng sari-sarili nilang damit. Angat na angat ang kagwapuhan nilang lima.

Si Con ay nakasuot ng dark blue na long sleeves ngunit tinupi nito hanggang siko ang suot at pinaresan ng itim na pantalon. Napalunok ako. Hayun na naman ‘yong buhok niyang hindi kilala ang suklay subalit kahit magulo iyon ay naaangkop pa rin ito sa kanyang suot.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Where stories live. Discover now