Marami na rin ang nangyari sa nagdaang ilang buwan. Isang buwan na lang rin, graduation na kaya lahat kami ay nakahinga ng maluwag at nakakapaggala na kahit papaano.

Naging mahirap pero worth it naman ang mga pinagdaanan namin sa loob ng university na pinasukan namin at sobrang proud kami sa isa't-isa dahil sabay-sabay kaming makaka-graduate. Hindi nga lang iyon dahil ako at si Patch ay ga-graduate na cum laude.

Hindi ko rin maiwasang ma-miss ang ex ko dahil tuwing magkakasama kaming magkakabarkada ay hindi nawawala ito. And speaking of him, nawalan na ako ng balita sa kaniya.

It's true na nakakausap niya pa ang mga kaibigan namin pero ako, hindi ako nakikibalita dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan kahit na para sa kaniya naman kung bakit ko siya sinaktan. Gusto nilang ipaalam sa akin ang mga nangyayari kay Lie Jun pero tumatanggi ako. Isang beses nga lang yata ako nagtanong patungkol sa kaniya simula nang mawala siya.

Tinanong ko kasi si Patch kung kumusta si Lie Jun at masaya naman akong ang sagot sa akin ay nasa mabuti siyang kalagayan.

That day he left, tanda ko pa na wala ako sa sarili pero ginusto ko pa rin magpaliwanag sa mga kaibigan ko at laking pasasalamat ko na naintindihan nila ako. Paulit-ulit rin ang paghingi ko ng tawad kay Tyron dahil sa pagdawit ko sa pangalan niya. Gusto niya raw nga itong bawian dahil nagka-blackeye siya dahil sa pagsapak nito sa kaniya.

Even si Ate Nora na tumatayong tiyahin ni Lie Jun, hindi ko na rin nakakausap. Pumupunta ito sa bahay namin ay mukhang nagbibigay ng update sa mga magulang ko pero tulad ng parati kong sinasabi, hindi ako nakikibalita dahil pakiramdam ko talaga wala akong karapatan.

Plano ko kasing kausapin ito at sa kaniya mismo magtanong kung ano ang naging buhay niya sa China. Gusto ko siyang makausap ng matagal kaya araw-araw, hinihiling ko n asana, pagkabalik nito't nagkaayos na kami, magkuwento ito sa akin.

Nangako rin ako sa barkada na makikipag-ayos ako rito sa oras na umuwi ito ng Pinas kaya masaya sila sa naging desisyon ko. Gustong-gusto kasi ng mga ito na kami ang magkatuluyan. Ang nakakatuwa lang, kami-kami lang rin ang nakakaalam na wala na kami ni Lie Jun. Even sa media, hindi nakarating ang balita na wala na kami nito kaya kapag may guesting ako't tinatanong ako patungkol sa kaniya, paulit-ulit ko lang sinasabing nasa maayos kaming kalagayan at ayos lang kami. Oo, hindi pa kami ganuon ka-mainstream talaga pero marami-rami na rin talaga ang nakakakilala sa amin.

And speaking of Tyron, na ngayo'y nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko, tulad ng inaasahan ng mga kaibigan ko, umamin na ito 3 months after umalis ni Lie Jun. Matagal-tagal na rin daw itong may gusto sa akin pero hindi lang makaamin o makaporma dahil alam na may boyfriend ako.

Kung hindi pa nga raw ito tinulak ni Sharon na umamin sa nararamdaman nito, hindi pa ito aamin. Alam kong malungkot rin ito dahil sa desisyon ko. Alam naman kasi nito na mahal ko pa rin ang dati nilang katrabaho. Tanggap naman niya pero sinusubukan niya pa rin kuhanin ang loob ko kahit na hindi ko siya pinayagang mangligaw.

At mariin ko rin siyang pinakiusapan na kung gusto niya magbigay, sana sa hindi makikita ng mga tao dahil ayokong kumalat naman ang tsismis patungkol sa amin.

We've been interviewed once at tinanong kung may may crush ba ito sa akin dahil ilang picture at video na raw ang kumakalat na sobrang lapit namin sa isa't-isa at nasa mental script na naming sumagot na we're just good friends and she has a / I have a boyfriend.

Wala naman akong magawa sa nararamdaman niya dahil hindi pa ako nakaka-move on sa ex ko. Gustuhin ko man mawala ang lungkot niya by means of being his girlfriend, hindi puwede dahil ayoko naman manggamit ng tao at bumitaw sa totoong mahal ko.

Graduation day came. Sobrang ingay sa venue dahil sa sobrang saya na bumabalot sa bawat isa. Kahit saan ka tumingin ay puro nakangiting estudyante ang bubungad sa iyo habang masayang nag-uusap at masayang kumukuha ng videos at pictures.

The Guy Next Door (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt