CHAPTER 3: Bow And Arrow

Magsimula sa umpisa
                                    

_____________________________

Wala naman siyang pagpipilian pa kaya hinayaan na lamang niya ang kaibigan sa gusto nito. Sinamahan na lang din  niya ito sa gitna ng gubat upang makahanap ng magandang puno na matitirhan… Pero halatang mapanganib ang kinalulugaran ng mga iyon…

Kathryn: Kung sa bayan ka na lang kaya muna matulog?... Tingin ko, pwede ka dun sa gilid ng simbahan!

Patuloy niyang pangungumbinsi dito habang naglalakad. At napapansin niyang malikot ang mga mata nito sa pag-oobserba sa paligid…

DJ: Ang kulit mo naman… Mas gusto ko nga dito eh! Para hindi nila ako mahanapan….

Kathryn: Eh tingnan mo nga oh… Napakasukal nitong gubat! Gusto mo bang mga ahas ang makahanap sa’yo?! Saka marami daw mga engkanto dito sabi ni Mang Tasyo!

DJ: Ang ingay-ingay mo naman eh!… Hindi ako takot sa engkanto o sa ahas… Marami na akong napapatay na ahas sa amin…

Napapagod na siya sa mahaba nilang paglalakad…

Kathryn: Eh san na tayo pupunta ngayon?!

DJ: ‘Dun tayo sa gilid ng bangin…

Kathryn: A-Ano?! Bakit?! Anong gagawin natin sa gilid ng bangin?!

Ang bangin na tinutukoy nito ay ang hangganan ng mga kagubatan sa buong Zanarkand...

DJ: Doon ako hahanap ng puno na matitirhan…

Kathryn: Bakit?!

DJ: Pwede sumunod ka na lang?….

Hindi na siya umimik nang sinabi nito iyon dahil mukhang naiirita na ito…

________________________________

Nang marating na nila ang gilid ng bangin ay labis siyang namangha sa nakita. Kailanman ay hindi pa niya iyon narating dahil labis daw na mapanganib doon. Ngunit ngayon lang niya napagtanto na napakaganda pala roon.

Labis na natatanawan sa di kalayuan ang pinakamalaking siyudad… Ang Sarkent… At sa pinakagitna nito ay ang…

Kathryn: Ang palasyo…

Labis siyang namamangha sa kagandahan nito maging sa malayong lugar.

DJ: Ang ganda dito noh?!

Lumingon siya sa kaibigan. Ngunit hindi niya ito makita… Pagtingin niya sa itaas ng isang puno ay naroon na ito na kampanteng nakahiga sa isang malaking sanga…

Kathryn: Jan ka na matutulog?...

Nakangiti lang ito at tila tuwang-tuwa…

DJ: Oo!… Pansamantala dito muna… Pero mangangahoy din ako para maitayo ko ang isang maliit na bahay dito sa mga sanga…

Kathryn: B-Bahay?! Pano mo ‘yun gagawin… eh ang liit-liit mo?!

DJ: Basta tingnan mo na lang!… Ipapakita ko sa’yo na kaya ko!…

Napapansin na niya na may tila kayabangan ang bagong kaibigan. Mukha ngang hindi ito pinalaki na may kagandahang-asal. Kahit sa pananalita sa kanyang ina kanina ay tila wala itong paggalang…

Kung normal lang niya siguro itong nakilala sa paaralan ay baka maging kaaway pa niya ito. Pero hindi… Hindi sa pagkakataong ito… Hindi niya maipaliwanag kung bakit… Maaari sigurong dahil sa mga sugat nito sa buong mukha at katawan… kaya hindi niya magawang magalit dito…

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon