CHAPTER 2: Meet The Bestfriend

Start from the beginning
                                    

Malapit na! Malapit na sa atin ang sinasakyan ng prinsipe!

Labis na siyang natataranta. Napatingin siya sa mga espasyo sa pagitan ng mga paa ng mga nakatayong tao. Wala ng ibang pumasok sa isip niya kundi ang lumuhod at magsimulang gumapang. Pinipilit niyang sumilip sa mga espasyong iyon. Pero mga gulong lamang ng sasakyan ang kanyang nakikita….

Maya-maya ay may nakita siyang maluwang na espasyo sa pagitan ng hita ng isang babae. Walang sabi-sabi ay mabilis siyang umusok doon na ikinagulat naman ng babae kaya sinigawan siya nito. Pero hindi na niya alintana iyon at nakatutok na lamang ang mga mata niya sa mga dumaraang magagarang sasakyan na dahan-dahang umuusad.

Sa ‘di kalayuan ay natanawan agad niya ang prinsipe. Nakasakay ito sa isang kotse na walang bubungan habang masayang kumakaway sa mga tao. Nakita pa niyang nagflying-kiss ito sa ilan sa mga dalaga roon…

Naku! Napakabata pa lang pero marunong nang magpakilig!

Napapangiti na lamang siyang pinagmamasdan ito. Nakakasiguro siyang magiging napakagwapo nga nito paglaki… At natitiyak niyang mahihirapan na siyang mahuli ang puso nito sa dami ng magiging kaagaw niya…

Naputol ang pagmumuni niya nang higit pang lumakas ang sigawan ng mga tao… Kaya nakigaya na rin siya…

Kathryn: Prince Daniel! Prince Daniel!

Ngunit nakikihalo na lamang ang maliit niyang tinig sa mga boses doon…Kaya naisipan niyang gumawa ng paraan para mapansin siya nito… tumalon-talon na siya habang kumakaway….

Kathryn: Prince Daniel! Prince Daniel!

Paulit-ulit niyang sigaw. Pero tila wala paring epekto at hindi siya nito napapansin. Maya-maya ay may bigla siyang naalala na sinabi nito sa kanya sa hardin… “But since we already know each other, you can just call me Daniel…

Kathryn: Daniel! Daniel! Daniel! Please look at me!

Buti na lang ay may natutunan na rin siyang konting English…

Uy! Tingnan niyo ‘yung bata oh, walang paggalang!

Nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa sa kabila ng pagsuway sa kanya ng mga tao sa paligid…

Hoy! Bata! Pwede kang maparusahan sa kalapastangang ginagawa mo!

Tumalon-talon na siyang muli…

Kathryn: Daniel! Oy! Daniel!

Sa wakas ay parang naririnig na siya nito… At tila hinahanap ng prinsipe ang walang paggalang na pagtawag dito. Hindi rin nagtagal ay nakita na siya nito at muling nagtama ang kanilang mga mata…

Base sa pagtitig nito sa kanya ay mukhang nakikilala siya nito. Nung una ay hindi niya alam ang dapat gawin. Katulad nito ay para rin siyang namamalikmata…. Pero pinilit niyang makabawi at agad nagpakita ng isang napakatamis na ngiti na hindi lumalabas ang mga bungi niya. Matagal na niya iyong inaaral sa harap ng salamin….

Dahil sa ginawa niya ay bahagyang ngumiti sa kanya ang prinsipe at itinigil na nito ang pagkaway sa mga tao. Nakatitig na lamang ito sa kanya. Kahit nang makalagpas na ang sinasakyan ay nakalingon pa rin ito sa kanya… At labis pa niyang ikinagulat nang bigla siya nitong kindatan…

Nakita niyo ‘yon?!Kinindatan ng prinsipe ang lapastangang bata!

Natutulala na lamang siyang nakatingin dito.... Kahit nang makalayo na ang sinasakyan nito at umalis na ang mga tao para patuloy na habulin ang parada ay naiwan na lamang siya roon na natitigilan….

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now