"Anong nangyari?" tanong ko saka ko dinaluhan ang boyfriend ko't chineck ang mga braso at mukha niya. Puro galos ito't putok ang kaliwang parte ng labi niya. "Bakit ganiyan itsura mo?"

"May sinuntok na babae." Nilingon niya si Tyron at sinamaan ng tingin dahil sa sinabi nito. "What? Nagtanong siya, eh. Alam ko naman na hindi mo sasabihin." Hindi niya inialis ang masamang tingin na ipinupukol niya rito at itong isa naman, hindi nagpapatalo sa pakikipagtitigan rito. "Ano? Ako na ba magsasabi?"

"Puwede ba na sabihin niyo na?" inis na pakiusap ko.

"Sinuntok si Mira, iyong co-model namin. Ayun. May black eye rin. Pero hindi si Mira iyong sumuntok sa kaniya, iyong boyfriend nito."

"Bakit ka nanuntok?" nag-aalalang tanong ko rito pero hindi man lang ako nito tinignan kaya ibinaling ko pabalik kay Tyron ang atensyon ko. "Ituloy mo na nga. Wala akong makukuha rito."

"Hinarass kasi siya ni Mira habang nasa loob ng dressing room. Mag-isa lang siya duon tapos biglang pasok nuong isa. Mukhang nilalandi siya tapos hinipuan bigla kaya ayun, tumba iyong isa."

"Eh, bakit hindi niyo pinigilan?!"

"Silang dalawa lang kasi nanduon. Napanuod lang namin sa CCTV noong nag-iimbistiga na kanina. Mukhang hindi alam nuong isa na may CCTV sa dressing room kasi bago pa lang iyon kaya malakas loob na mang-harass."

Napahinga ako ng malalim saka ko tinignan si Lie Jun. "Bakit mo naman kasi ginawa iyon? Sana itinulak mo na lang o nilayuan."

This time, tinignan niya na ako't tinaasan ng kilay. "I did. Itinulak ko nga siya. I warned her thrice pero matigas ulo niya. She deserves it."

"Babae pa rin iyon."

"Gender equality."

I resigned at hinila na lang siya patayo saka ko tinignan si Tyron. "Bakit pala dito kayo dumiretso? Bakit hindi mo na lang siya inihatid sa bahay?"

"Ayaw niya nga kasi makita mo siyang ganiyan."

"Dala mo ba kotse mo? O nagtaxi lang kayo?"

"Dala ko." Tumayo rin siya't ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa. "Tara. Hatid ko na kayo."

"Clinic muna tayo para mapa-check—"

"Bao Bei, I don't need that."

"And I don't need your opinion so shut it."

Wala siyang nagawa kung hindi magpahila hanggang sa maisakay namin siya sa kotse. May malapit lang na clinic sa bayan kaya hindi kami tumagal sa byahe. Hindi na ako sumama sa loob dahil na rin sa payo ni Tyron. Mahirap na raw kasi na makita ako ng mga tao at baka kung anong kumalat na balita since public figure ako. Gustuhin ko man sumama, sumunod na lang ako sa payo niya. Ayokong mauwi na naman sa isang interview para magpaliwanag kung bakit ako nasa clinic, kasama ang boyfriend ko na binugbog.

Halos isang oras ako naghintay bago sila bumalik. Pagkasakay nila sa kotse ay ibinigay sa akin ni Tyron ang bag ng kung ano-anong ointment. Nakiusap na rin ako sa kaniya na ihatid kami sa bahay since nasa kotse niya naman na kami.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Lie Jun, nauna itong bumaba at pumasok sa bahay. Ako naman, napabuntong-hininga na lang at bago pa ako makababa ay tinawag ako ni Tyron. Dahil nga nasa driver's seat siya, pumihit pa siya paharap sa likuran kung saan ako nakaupo.

"Ano bang nangyayari sa iniyo? Daling uminit ng ulo niyan these past few days, ah?"

"Masyadong complicated."

"Nga pala. Baka hindi niya rin ipaalam sa iyo. Sasabihin ko na since girlfriend ka naman niya." Nginitian niya ako ng bahagya matapos humugot ng malalim na paghinga. "Alam kong aawayin niya ako kapag nalaman niyang sinabi ko sa iyo pero mas maganda pa rin na malaman mo. Suspended siya ng 3 months. Pati iyong dalawang project na ibibigay sana sa kaniya, na-pull out at naibigay sa iba naming kasamahan." Again, bumuntong-hininga siya. "Buti na lang may CCTV kasi kung hindi, malamang sa malamang natanggal na siya, nakasuhan pa. At buti rin, 3 months lang suspension niya."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon