Chapter 4: Bye Rebecca

Start from the beginning
                                    

Binuksan nila yung pinto ng classroom nina Matthew at napatakip sila ng mata at napaiwas ng tingin. Kami namang mga babae, dahil sa gustong malaman tiningnan naman namin.

"AAAAHHHHHHHHH!!!! PAT SI--SI--"

.

.

.

.

.

.

.

"REBECCA! ANONG NANYARI SA KANYA?!" Sigaw ni Tory habang pilit lumapit kay Rebecca pero pinipigilan namin sya. Tulala lang si Wendell pero halata sa kanyang mukha ang gulat.

Lumakas ang pagiyak naming lahat. "Tumawag kayo ng pulis at ambulansya! Bilis!" Utos ni Matthew.

×REBECCA×

~FLASHBACK~

Paakyat ako sa 3rd floor kasi nandun yung classroom ko.. Pero, natatakot akong buksan iyon muna, nagpalingon lingon ako. Natatakot ako kapag talaga ang tahimik dito..

"Hello" bati sakin nung babae. Nginitian ko lang sya at binuksan ko na uli yung pinto ng classroom namin ng bigla nya akong saksakin sa bewang.

Napaupo ako bigla at nagulat, nilingon ko yung babae... Di ko naman sya kilala. Ay teka... Kilala ko sya...

Nagkakakwentuhan kami tungkol sa mga namamatay... Pero sino nga ba sya?

Sinaksak na naman nya ako sa puso sa dib dib ko. Napapikit ako sa sahig, di ako makasigaw tinatakpan nya yung bibig ko.

"Kasalanan mo to.. hindi mo dapat sya kinakausap! Hindi!" Sabi nya sakin.

Sino? Sino nga ba ang di ko dapat kinakausap?

"Pinapahirapan mo akong gumanti!"

"S-sino a-ang d-di ko d-da-d-dapat--"

"Sabi mo sakin iiwasan mo sya, pero hindi! Sinabi ng Wag mong kakausapin si MIRAE! galit ako sa kanya, at lahat ng kumausap sa kanya ay.....MAMAMATAY!" Sabay hiwa nya sa pulso at leeg ko, bakas sa kanyang mga mukha ang galit.

~END OF FLASHBACK~

×MIRAE×

Nakakatakot talaga ang mga nanyayari. Umiiyak ako habang nakasandal sng ulo ko sa dib dib ni Patricia. Andun lang kaming lahat, nakaupo sa may hagdan..

"Red note na naman oh..." sabi ni Warren habang pinapakita iyon sa amin.

Binasa naman namin..

'B-bawal

Kasalanan mo kung bakit ka namatay!'

"Si Rebecca pa talaga ang may gawa?! Sya na nga tong pinatay!" Sabi ni Lucy.

Bestfriends pala sila ni Rebecca, super close nila sa isa't isa. Wala man lang akong alam na magkaibigan pala sila...

"Dapat lang naman na mawala na yun e.." sabi naman ni Sam.

Nagtaka kami ni Lucy sa sinabi ni Sam... "anong ibig mong sabihin Sam? Napakamabuting tao ni Rebecca, tapos gaganyanin nyo?" Sabi ni Lucy.

Umiling iling si Sam. "Hindi nyo alam kung anong mga mali ang nagawa ni Rebecca. Ibang iba na sya... kung kaibigan mo sya, sana napansin mo ang malaking pagbabago nya..."

Ano bang nagbago kay Rebecca? Mabait parin naman sya diba? Bakit kahit sina Matthew at Wendell walang alam? Bakit parang si--

"Oo nga. Di nyo ba napansin na, iniiwasan niya si Mirae? At marami pa syang di magagandang gimagawa magmula nung isang isang isang araw."sabi ni Jason.

Napansin ko nga..

~FLASHBACK~

Papunta akong classroom pabalik duon dahil nakalimutan ko yung body bag ko, andun pa naman yung wallet ko. Hanggang sa nakasalubong ko si Rebecca sa hagdanm pababa.

Hinarang ko sya kaya napatingin sya sakin ng gulat. "Rebecca samahan mo naman uli ako sa taas nakalimutan ko body bag ko.. nandun wallet ko.. baka kasi--"

"Hindi ayaw ko. S-sa iba na lang" natatakot nyang sabi.

Kumunot noo ko. "B-bakit?"

Patingin tingin sya sa taas kaya nakikitingin ako. "Anong meron sa ta--"

"Bye" at dali dali na syang bumaba ng hagdan. Hinayaan ko na lang din yung body bag ko duon at siguro kung sino ang makasalubong ko, heheram na muna ako ng pera sa kanya...

~END OF FLASHBACK~

"Napansin ko." Sabi ko ng nakatungo..

"Pero may narinig akong bulong ni Rebecca nung nagkataong magusap kami.." singit ni Anne.

"Ano?" Sabay sabay naming tanong..

"Ikaw na Sam." Utos ni Annde kaya sa kanya kami nagtuon ng pansin.

"Kilala mo daw yung pumapatay.." nanlaki yung mata namin at yung iba ay napatingin sakin sa sinabi ni Sam.

Ilang segundo bago magsink in ang sinabi nya. At hinarap ako ni Tory, parang ang taray ng mukha kahit walang taas kilay...

"Umamin ka nga, Mirae. May alam ka ba?" Mataray na tanong sakin ni Tory.

Tiningnan ko sya ng gulat.. "W-wala. Tory, napapansin ko nga na ganun ang kilos ni Rebecca, pero di ko alam kung bakit.."

HallwayWhere stories live. Discover now