But he didn't.

Tumango lang siya at seryosong nag-isip.

"Gusto mo bang magtrabaho sa production company? Pwede kitang irefer. Anak naman ako ng may-ari," he grimaced, "kahit na ang trato sa akin sa trabaho parang hindi."

Umiling ako agad.

"Hindi! Ayos lang! May hinihintay pa naman akong mga job interview. Baka sakaling matanggap ako roon."

"Okay, if you say so."

Dumating na ang order niya at muling napunta sa ibang bagay ang pinag-usapan namin. Lalo na sa isang bagay na iniiwasan ko.

"Kumusta na pala kayo ni Sergio?" kaswal niyang tanong habang kumakain.

Bigla kong hindi malunok ang buko pie. Napainom pa ako ng fruit tea bago bumuntong-hininga at ngumiti nang maliit.

"W-Wala na kami."

Nanlaki ang mga mata niya at parang ayaw maniwala. But I only offered her the smallest of my smiles and said nothing else. Ni hindi ko na magalaw ulit ang kinakain ko.

Sa huli'y tumango siya at pilit na inaalis ang awkward na topic.

"W-Well, ganoon naman talaga. Relationships aren't all about love, I guess," he stated, to which I can't help but agree.

Pero hindi na ako nagkomento tungkol doon.

Natapos ang aming kumustahan nang tuluyan nang umalis ang araw. Nagpaalam na rin siya sa akin dahil may aasikasuhin pa raw. Pero hiningi niya ang number ko at para raw makontak niya ako.

On the way home, I thought about how my response went with his question.

Ang layo na ng narating niya.

Kahit na nagsisimula siya sa mababang posisyon ngayon, alam kong sa kanya pa rin mapupunta ang kompanya nila.

Habang ako, nandito pa rin at naghahanap ng trabaho. Ang dating babae na ang tayog-tayog ng pangarap, na nagawa pang manggamit ng iba para iangat ang sarili, nasa baba pa rin. Hindi man lang makaakyat.

I sighed loudly.

Good things take time. The best things are earned through hard work and patience. Kailangan ko lang talagang pagbutihin. At magsikap na pahabain ang pasensya.

Pero sa estadong mayroon kami na hirap na hirap kahit sa pagkain, nakakawala talaga ng gana at pasensya.

"Congrats! Tanggap ka na! Maaari ka nang magsimula sa Lunes. Si Anita na ang magbibigay sa 'yo ng directions kung paano mag-serve."

I expected the happiness to rush in. Pero wala akong maramdaman.

Still, I smiled and shook the HR Manager's hands.

Inalala ko na lang ang sweldo. Kahit papaano'y sapat naman na 'yon para itaguyod ang pang-araw-araw namin sa Maynila.

But deep down, I know I'll never be happy with where I am going. Because this isn't exactly my dream. This isn't the path I was supposed to take.

I stared at the skies and wondered what will happen. And what should have happened. And what could have happened.

"Sergio, am I doing the right thing?" I whispered to the air.

I know I should move on. It's been months. But the pain won't go away. Along with my feelings for him.

Kung maaari lang na tanggalin ang puso ko at ako mismo ang lilinis mula sa kahit ano ay gagawin ko. Pati na rin ang utak ko. Pero hindi, e. Hindi naman dumi 'tong nararamdaman ko.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon