"Huwag! Tama na! Huwag mo siyang patayin!" Nang biglang nanakbo ang kaibigan niyang si Jcee at humarang siya sa harapan ko dahilan para huminto ako. Inakala niya sigurong papatayin ko ang tuso niyang kaibigan. Hindi niya alam na gusto ko lang naman itong pahirapan. "Nakikiusap ako sa 'yo." Pagmamakaawa pa niya.

Pero nginisian ko siya. "Nakikipagdeal ka ba sa akin niyan?"

"Oo." Mabilis niyang sagot. "Huwag mo lang patayin ang kaibigan ko."

"Then tell me kung anong kapalit non. Kapag nagustuhan ko pagbibigyan kita." Nagkatitigan kami mata sa mata. Pero bigla lang naman siyang napayuko. Mukhang hindi niya yata alam ang pinagsasasabi niya. Napailing nalang ako at nagtawanan naman ang mga Gangsters na nasa paligid namin. "Kung wala kang matinong sasabihin, iligtas mo na ang sarili mo ngayon na. Tumakbo ka na hanggat may oras ka pa." Dugsong ko pa.

"Aalis kami ng Pilipinas." Muli niyang sabi kaya napatitig ako sa kanya.

"Then? Anong mapapala ko sa proposal mong 'yan?" Kampante ko lang siyang kinakausap.

"H-Hindi ka na masisira sa publiko ganon din ang buong Gang ninyo. Lahat kayo!" Tinuro niya ang lahat ng grupo na naririto pero muli lang naman siyang tinawanan ng lahat.

"Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo?" Natatawang sabi ni Adamson habang patuloy siyang pinagtatawanan ng lahat. "E kayang-kaya kaya kayong patayin ni Boss ngayon. Bakit bibigyan pa kayo ng pagkakataon na manahimik e 'di patayin nalang kayo! Baka mamaya trumaydor pa kayo. HaHaHa!"

Mukhang napahiya si Jcee sa sinabing 'yon ni Adamson kaya napayuko nalang siya. Muli niyang binalikan si King na muli na namang tumatayo. Nagtataka na ako kanina pa kung bakit parang hindi nauubusan ng lakas si King kahit kanina ko pa siya binibitawan ng malalakas na suntok at sipa. Naghihinala na ako sa kanya. "Huwag kang magmakaawa sa isang demonyong katulad niya Jcee." Sabi niya sa kaibigan. Inalalayan siya nitong tumayo.

"Kill them! Kill them! Kill them!" Hanggang sa muling nag-ingay ang mga nasa paligid namin ngayon kaya nakita kong kinabahan si Jcee.








King's Point of View

"Kill them! Kill them! Kill them!" Sigawan ng mga walang kuwentang Gangsters na nakapaligid sa amin.


"Hindi n'yo kami mapapatay." Turan ko sabay punas ng dugo na nasa bibig ko. Magkatitigan lang kami ngayon ni Azen habang nakaalalay sa akin si Jcee. Marahil ay nagtataka na sila kung bakit hindi niya ako mapatulog kanina pa. Palihim akong napangiti. Isang pampalakas lang naman ang itinurok ko sa sarili ko kanina bago namin simulan ang laban. Mas malakas pa sa steroid kaya ibig sabihin, kailanma'y hindi niya ako magagawang mapatulog kahit anong bugbog ang gawin niya sa akin ngayon dahil 'yon ang epekto non. Mas malakas ako kaysa sa inaakala niya.

Nang biglang may dumating na napakaraming mga grupo na ipinagtaka ng lahat ngayon. "What the! Mga tauhan 'yan ni Death Snake!" Bulalas ng isa sa mga tauhan niya na si Crop dahilan para balikan niya ako ng tingin. Kunot-noo niya akong tinitigan ngayon na ikingisi ko naman sa kanya. Lahat ng iba't-ibang Gang na kakampi niya ay napaatras at pumunta sa dereksyon niya sa likuran niya.

Samantala inalalayan naman akong maglakad ni Jcee papalapit sa napakaraming mga tauhan ng Daddy ko na dumating ngayon. Nahati kami sa dalawang grupo. Nasa gitna ako ganon din si Azen na pinalilibutan naman ng mga tauhan niya. Isama pa ang mga magulang niya at pinagitnaan siya.

Isang titigan ang nagaganap ngayon sa aming lahat, mga kasaping grupo ni Azen laban sa mga tauhan ng Daddy ko. Lahat ngayon ay nagliliyab sa pakikipagtitigan. Siguradong lahat ngayon ay mapapasubok sa labanan.




(Book 4) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2018 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat