Chapter 34.

89 7 1
                                    

Date Published: January 14, 2022

~ SUNDAY ~

HEAVEN

Ito na ang araw ng birthday nila Tita Zerah at Tito Xander. Bumabyahe na kami nila dad at katabi ko sila Sibby dito sa likod ng sasakyan.

"Maglalaro tayo mamaya, Sibby, Fally, at Foxy," saad ko at hawak ko na 'yong laruan nilang bola at agad silang natuwa tatlo.

"Mamaya pa tayo maglalaro, guys. 'Wag kayong mag-alala at sa ngayon ay behave na muna tayo," sagot ko at tatlo silang nagsiupo sa tabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong nag-message si Reid sa 'kin kaya naman tinignan ko 'yong message niya.

From: Reid
Good morning, Eave, I've heard from your cousins that you're going to your resthouse today. Be careful and enjoy your day.

Napangiti ako sa sinabi niya at kinilig. Kahit kailan talaga ay napaka-sweet niya talaga sa 'kin.

To: Reid
Be careful too. We'll be back tomorrow and enjoy your day. Good morning. I love you.

Reply ko naman at napatingin kay Sibby nang naramdaman kong kinakagat niya ang damit ko. Hinaplos ko ang ulo niya.

"Shh... Tulog ka na lang muna, Sibby. Mamaya pa tayo dadating sa pupuntahan natin eh," bulong ko at humiga na siya.

Pinagpatuloy ko ang paghaplos sa ulo niya ng marahan at napansin kong nakatulog agad siya kaya naman napapikit na din ako ng mga mata para matulog.

•*•*•*•*•*•*•*•*

"Baby... Gising na." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si mommy. Napatingin ako sa paligid at nandito na kami sa resthouse ngayon.

Napansin ko din na tumatakbo na sila Sibby sa labas ng sasakyan kaya naman bumaba na din ako at nag-inat ng buto.

"Nandito na pala tayo," konento ko habang humihikab. Napansin ko na nandito na din ang lahat ngayon at naglalaro sa beach.

"Heaven! Tara na!" Hinila ako nila Theo at agad naman akong sumunod. Knowing them, alam kong may plano ang mga 'to para sa mga birthday celebrants ngayon.

Tumakbo kami papunta sa isang kubo at nandoon na din ang iba pa. Nagkumpol-kumpol kaming lahat at hinintay silang magsalita.

"Ito ang plano para party mamaya," paninimula ni Lucinda sa 'ming lahat.

"Magsisimula ang party mamayang alas-tres ng hapon. Ang gagawin ay may talent show tayo at lahat magper-perform."

"Bakit gano'n? Wala akong talent besides cooking? Ano 'yon? Magluluto ako doon?" tanong ko naman at natawa silang lahat.

"Wala na bang iba? Wala din akong ka-talent-talent eh," reklamo naman ni Evander at napahinga ng malalim si Lucinda.

Hula ko ay ginagawa niya 'to para kay Tito Xander. Ramdam ko din na prine-pressure niya ang sarili niya para lang sa party na 'to.

Makagawa nga ng plano para sa kaniya. Ayoko 'yong prine-pressure niya ng todo ang sarili dahil sa mahal na mahal niya si Tito Xander bilang ama niya.

"Ito na lang gawin natin, ordinaryong party na lang ang gawin natin. I mean, 'yong dating ginagawa natin," suhestyon ni Bryson.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang