Chapter 4.

156 8 0
                                    

Date Published: June 3, 2021

HEAVEN

Habang naglalakad paalis ay mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko dahil doon sa lalaki.

Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Ang weird ko naman ngayong araw.

Pumasok na ko sa loob ng room at umupo sa tabi upuan ko. Sinuot ko na 'yung bracelet ko at napansin kong wala namang sira ito.

Hula ko ay dumulas lang 'to kaya nahulog kanina. Buti na lang at mabait 'yung lalaki at binigay sa 'kin.

Sino kaya siya? Taga saang building kaya siya? Ano kaya ang program na tine-take niya? Makikita ko pa ulit kaya siya?

Dapat pala tinanong ko 'yung pangalan niya bago ako umalis kanina. Napabuntong hininga ako dahil doon.

"Hoy, bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ni Matilda at umiling lang ako.

"Wala lang... Trip ko lang maging malungkot." Palusot ko. Kasi kapag sinabi ko ang tungkol sa lalaki ay baka asarin ako.

"Okay... Minsan talaga ang weird mo." She giggled then, umupo na sa tabi ko.

Pumasok na si ma'am sa loob ng room at tumingin sa 'ming lahat. Meron siyang sinenyasan sa labas at nanalaki ang mga mata ko nang nakilala ko 'yung lalaki.

"You'll be having a new classmate, everyone. He is Dawson Reid Cohen – a foreign exchange student from Canada." Papakilala ni ma'am sa 'min.

So, foreign exchange student siya... Kaya naman pala ang ganda ng American accent niya eh. Tinitigan ko 'yung lalaki at ang gwapo niya talaga.

"Mr. Cohen, you may now take a sit beside Miss Valencia." Saad ni ma'am at tumabi na si Mr. Cohen sa kaliwa ko.

Sa kanan ko kasi nakaupo si Matilda at wala namang nakaupo sa kaliwa ko kaya naman kahit sino ay pwedeng umupo sa kaliwa.

"Mr. Cohen..." Kumaway ako sa kaniya at sinungitan niya ko. Sabi na eh. Masungit talaga siya. Kaya naman hindi ko na siya pinansin pa at tumingin na lang kay ma'am.

•*•*•*•*•*•*•*•*

"Okay, your project for this semester is that, you're going to make a compilation of businesses. With a picture and also, the important details of those businesses." Paninimula ni ma'am.

"So, makikita ko dapat sa compilation niyo ay ang mga sumusunod:

- Picture ng gusali
- Location
- Products
- Sino ang owners
- Picture ng owners pero optional." Dugtong pa nito.

"Binisitahin niyo ang mga businesses na malapit sa inyo at 'yan ang mga kokolektahin niyong mga impormasyon."

"Ma'am, paano po kung ayaw pong magpakilala ng owner?" Tanong ko naman.

Mayro'n kasing mga owners ng mga businesses na ayaw magpakilala dahil sa gusto nila na mabatiling pribado ang buhay nila.

"Then, ilagay mo na lang kung sino ang manager para hindi siya bakante." Sagot niya.

"Pero kung pati manager ay ayaw, then, we have no choice kundi bakantehin na lang talaga 'yon." Dugtong niya pa.

Sinulat ko 'yung mga sinabi niya sa notebook para hindi ko 'yon makalimutan. Baka kaso mamaya ay makalimutan ko at bumagsak pa ako.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationWhere stories live. Discover now