Chapter 8.

121 9 0
                                    

Date Published: July 2, 2021

HEAVEN

Pagkatapos kumain ay umalis kaming dalawa sa kainan at naglalakad na kami papunta sa tinutukoy niya.

"This is what I've found. The professor didn't mention on what kind of business, right? So I guess, this is okay." Sabi niya.

Napatingin ako sa tinutukoy niya at nakita ko ang flower shop na laging binibilhan ni daddy sa tuwing gusto niyang bigyan si mommy ng bulaklak.

"Sure. Let's try here." Sagot ko at tumango siya. Pumasok na kami sa loob at agad kaming hinarap ng isang babae.

"Good morning, ma'am. Sir." Bati nito sa 'min.

"Hello, nandito po kami para po sa interview? Project lang po. Kung okay lang po sa inyo, miss." Sabi ko.

"I am Heaven Valencia and he's Dawson Reid Cohen po." Pagpapakilala ko.

"Sure... Okay lang naman pero anong klaseng interview? May video ba?" Tanong niya.

"Gusto lang po namin malaman ang mga iba't ibang uri po ng products niyo, picture po ng store, kung sino po ang owner, at kung pwede po picture nila?" Sagot ko.

"Sige... Isa-isahin na 'tin ah?" Tumango ako.

"I am Chelsea Calerez. I am the owner." Paninimula niya at sinulat ko 'yon sa papel.

"Ang mga produkto namin ay mga halaman at syempre, bulaklak na pwedeng alagaan sa bahay."

"Plants like Snake Plants, Monstera Deliciosa, Pothos, Dracaena, Spider Plant, Aloe Vera, and many more."

"Para sa mga bulaklak naman ay mga Roses, Orchids, Amaryllis, Poinsettia, Hibiscus, Clivia, and many more." Pagdugtong niya.

Sinusulat ko pa rin ang mga sinasabi niya at napansin kong kinukuhaan ng litrato ni Reid ang buong store.

"College na kayo? Anong program?" Tanong ni Miss Chelsea.

"Business po, miss. Graduating na po." Sagot ko naman at napangiti siya.

"Gano'n ba? Good luck sa project at sana nakatulong ako para makapasa kayong dalawa." Komento niya.

"Picture po, miss?" Tumango siya at tumingin ako kay Reid.

"Reid, picture." Tumango siya at kinuhaan na niya kami ng litrato nang may pumasok na isang babae na may kasamang batang lalaki.

"Mommy!" Tumakbo palapit kay Miss Chelsea 'yung bata at naglakad na ko palapit kay Reid.

"We're done here. Please compile all photos and we're going to put that also to our project." Sabi ko.

"Sure. I'll be the one who's going to print these photos and I'll give it to you to put it to our portfolio." Sagot niya.

"Miss, thank you po." Saad ko at ngumiti siya.

"No problem, Heaven. I'm happy that nakatulong ako sa project niyong dalawa." Sagot niya.

"Una na po kami, miss. Thank you po talaga." Saad ko naman at tumango siya.

Naglakad na kami palabas nang biglang huminto si Reid mula sa paglalakad at lumingon.

"Miss, we can take a picture of your store, right?" Tanong niya at tumango si Miss Chelsea.

"And, can we also know when did you open this store? So that, we can also have an additional info for an extra point." Dugtong pa nito.

"I opened this store just last week, Tuesday." Sagot ni Miss Chelsea.

"Thank you so much, miss." Sagot ni Reid at naglakad na kami palabas ng store. Kinuhaan na ni Reid ng picture ang store.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationWhere stories live. Discover now