Chapter 22.

81 8 0
                                    

Date Published: October 8, 2021

HEAVEN

Nandito na kami sa loob ng evacuation room at tinitignan ang lahat. Kanina pa ko nalingon at hindi ko makita si Reid.

"Ma'am, nasaan po si Reid?" tanong ko at napatingin din siya sa paligid at doon niya lang din napansin na wala siya dito.

"Nandito lang siya kanina ah? Nako, umalis ata siya ng hindi ko napapansin," nag-aalalang tanong niya at tumingin sa mga pulis.

"Sir, may nawawalang estudyante po dito," pagbalita niya at agad lumapit sila mom sa 'min.

"Sino po, ma'am? Ipapahanap ko po sa mga nasa ibang floors," sagot ng isang pulis.

"Si Mr. Cohen. Wala siya dito at hindi ko napansin na wala na pala siya dito," sagot ni ma'am.

"Sir? May isang estudyante ditong nawala. May nakakita ba sa inyo?" sagot ng pulis na nakausap namin.

"The foreign exchange student... Damn it. I wish that he's safe wherever he is," komento ni dad.

"Mayro'n kaming nakitang estudyanteng lalaki dito. Wala naman siyang sugat at ligtas naman siya kaso, hindi namin maka-usap ng matino dahil sa hindi masyadong nakakaintindi ng tagalog."

"Si Reid po 'yan, sir. Nag-aaral pa lang po ng tagalog 'yan eh," saad ko naman at tumango ang pulis sa 'kin.

"Pakidala na lang siya dito sa first floor ng ligtas," sagot nito at napahinga kami ng maluwag.

"Mabuti naman at ligtas si Mr. Cohen. Hindi niya ba alam ang tungkol sa alarm na 'to?" tanong ni ma'am.

"Baka po hindi niya naintindihan kasi tagalog?" tanong ko naman at bumuntong hininga silang lahat.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Maya-maya lang ay dumating na si Reid at agad ko siyang niyakap dahil sa ligtas siya.

"I'm happy that you're safe," bulong ko at agad akong hinila palayo ni dad mula sa kaniya.

"I'm happy that your friend is safe but, you're not allowed to hug him like that," komento ni daddy.

"Where did you go, Mr. Cohen? Don't you know how dangerous it is?" tanong naman ni ma'am.

"I'm sorry, professor. It's just that I'm worried about Eave and I went out to look for her. She said that she's going to call someone from the office but, she didn't come back," paliwanag ni Reid.

"I told you that I'm going to call someone from the office. You don't need to look for me," sagot ko naman.

"But, I'm worried..." Napabuntong hininga ako.

"Thank you for being worried about our daughter, Reid," saad naman ni mommy at niyakap ako.

"Sir, I saw someone a while ago who's carrying a gun but, I didn't manage to see his face because his back is facing my way," pagbalita ni Reid.

"He's wearing a school uniform but, I didn't know who he is," dugtong pa nito.

"Sir, nasa CCTV po kayo, 'di ba? Mayro'n po ba kayong nakitang estudyante na may hawak na baril?" tanong ng pulis sa radio nito.

"Sige po, sir." Tumingin ulit 'to sa 'min.

"Mr. Valencia, sabi po ni Sir Spencer ay may kailangan daw po kayong makita." Tumango si dad at sumunod kami sa kaniya.

Hindi sumunod si Reid sa 'min at mas okay na 'yon at least, hindi niya malalaman kung sino at kung ano kami.

Ayokong matakot siya sa 'kin kaya mas okay na 'yong ganito, sa ngayon.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationWhere stories live. Discover now