Chapter 18.

81 8 0
                                    

Date Published: September 10, 2021

HEAVEN

Nagdi-discuss na si ma'am sa harap at meron na naman kaming gagawing project para sa kaniya. Para sa midterm din ito kasabay ng una niyang pinagawa sa 'min noon.

"All you have to do is to make something that you can sell. Just make one then, submit it to me on the day of the midterm," saad ni ma'am.

"Any products po, ma'am?" tanong ng isa kong kaklase at tumango si ma'am. Nag-isip na ako ng p'wedeng gawin dahil sa gagawin ko na 'yon mamaya pagkauwi.

"It can be foods, clothes, art works, shoes, and anything," dugtong pa ni ma'am at napatango kaming lahat.

"You may now go and class dissmissed," saad ni ma'am at naglakad na siya palabas mula sa classroom.

Tumayo na ako at lumapit si Matilda sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Una na kami, Heaven. Gagawin na namin 'yong project para wala na kaming po-problemahin pa ngayon." Tumango ako sa kaniya.

"Sige, ingat kayo. Gagawa na din ako mamaya 'pag nakauwi na ako," sagot ko naman at naglakad na sila paalis ng classroom.

"Hey, Eave. Let's go now?" Tumango ako kay Reid.

"Sure. Let's go now," sagot ko naman at hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na kami palabas ng classroom.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa loob ng apartment niya at tuwang-tuwa siya dahil sa natanggap na niya ang halaman na ni-regalo ko sa kaniya kanina.

"Thank you for this, Eave," masayang saad niya at nilagay ang halaman papunta palapit sa sliding door para matamaan ito ng sinag ng araw.

"I'm happy that you like it, Reid. That's a 'thank you' gift for protecting me," sagot ko naman at napangiti siya.

"No need to thank me about that, Eave. I'm happy that I can protect you," sinserong saad niya at hinawakan ako sa pisnge ko.

"I told you remember? I'll protect you whatever happens." Hinalikan niya ako sa noo at kinilig ako.

"Let's watch some movie while eating lunch?" Tumango ako at kinuba na niya ang cellphone niya para makapagpa-deliver.

"I'll prepare the movie," suhestyon ko naman at inayos na ang papanoorin namin ngayong araw.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Nanonood na kami ngayon ng isang mystery movie habang nakain ng fries, chicken nuggets, burger, at chicken wings.

Maganda naman ang palabas at interesting. Kanina pa nga ako napapa-isip sa kung sino ang killer eh.

"I wonder who the killer is? I can't wait to know though," komento ni Reid at napatango ako.

"I'm also curious to know who it is. I just wish that they'll introduce that character soon," sagot ko naman.

Tumahimik na ulit kaming dalawa habang nakain at pinanood ng mabuti ang palabas para hindi ako malito.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Tapos na kaming manood at natuwa ako dahil sa sobrang ganda ng palabas. Napatingin ako kay Reid na nagpupunas ng kamay gamit ang wipes.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationWhere stories live. Discover now