Chapter 33.

93 8 0
                                    

Date Published: January 7, 2022

HEAVEN

Nandito pa din kami sa hapag-kainan habang nakain. Napatingin ako kay Lucinda dahil sa sobrang tahimik niya ngayon.

"Ano'ng mayro'n, Lucinda? May nangyari ba?" tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa 'kin at ngumiti ng onti.

"Wala namang nangyari, Heaven. Nag-iisip lang ako ng p'wedeng iregalo kay daddy dahil malapit na ang birthday niya," sagot niya.

Ngayon ko lang naalala na sa darating na Linggo na ang birthday nila tito Xander at tita Zerah — dahil sa kambal sila ay sabay ang birthday nila.

"Kanina pa siya ganiyan, Heaven. Sabi ko nga ay tutulungan ko siya kaso, ayaw naman niyang humingi ng tulong," paliwanag naman ni Bryson.

"Gusto kong magbigay ng regalo kay daddy – 'yong magugustuhan talaga niya," pag-deklara ni Lucinda at napabuntong hininga na lang.

"Nandito lang kami para tumulong sa 'yo, sabihin mo lang at willing naman kami, Lucinda," saad ko at tumango siya.

"Sige, hingi na lang ako ng tulong sa inyo 'pag hindi ko na alam kung ano ang ibibigay ko," bulong niya at kumain na lang ulit.

Kumain na ulit kaming tatlo habang nag-iisip kun ano ang pwedeng ibigay na regalo ni Lucinda kay tito Xander sa darating na Linggo.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Tapos na kaming kumain at nandito kami nila Lucinda sa loob ng kwarto ko habang naglalaro ng chess. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa din kami tungkol sa birthday.

"Kung magbigay ka ng isang bagay na gusto ni Tito Xander? I mean, ano ba 'yong gusto niya?" suhestyon ko naman.

"Hindi ko siya matanong tungkol diyan dahil sa gusto kong mai-surprise siya kaya hindi ako nagta-tanong," sagot niya naman.

"Sige, gawan ko ng paraan 'yan. Hintayin mo lang," pag-deklara naman ni Bryson at naglaro na ulit kaming tatlo.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Alas-otso na ng gabi at nakauwi na si dad dito sa bahay. Naka-alis na din sila tita dahil sa sobrang gabi na.

"Babe, baby girl, be ready for this coming Sunday. We're going to our resthouse for the Chryz siblings' birthday," pag-balita ni dad.

"Okay po, dad. Makakapag-swimming na naman ako," masayang saad ko at natawa silang dalawa ni mommy.

"But, no wearing of a daring swim suit, okay?" Tumango ako dahil ayokondin namang magsuot ng gano'ng klase ng bathing suit.

"Dad, hindi naman po ako mahilig magsuot ng mga gano'n bathing suit eh. Mas mahilig pa nga po akong magsuot ng t-shirt at short lang," sagot ko naman.

"Good girl. That's my girl," bulong ni dad at hinalikan ako sa noo ko. Nagulat kami nang biglang tumalon palapit sa 'min si Sibby.

"Sibby!" tawag ko at hinalikan siya sa ulo at dinilaan ako. Hinawakan siya ni dad at agad niyang pinakita ang matulis nitong ngipin.

"Dad, ayaw niya po ata sa inyo kasi, ayaw mo po na bilhin ko siya kanina," komento ko at napabuntong hininga siya.

"I'm so sorry, Sibby. Don't hate me," malumanay na saad ni dad at hinayaan na siya ni Sibby na hawakan siya sa ulo.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationWhere stories live. Discover now