Chapter 5.

138 9 0
                                    

Date Published: June 11, 2021

HEAVEN

Nagising ako nang naramdaman kong may tumatapik sa pisnge ko at nakita ko si mommy. Ngumiti ako at hinalikan niya ko sa noo.

"Nandito na tayo kaya tara na." Tumango ako at lumabas na mula sa sasakyan. Nakatayo na sa labas ng sasakyan si daddy habang hinihintay kami ni mommy.

Habang hinihintay bumaba si mommy ay nagulat ako nang bigla akong niyakap ni dad ay pumasok kami sa loob ng sasakyan habang nakayuko.

May narinig kaming mga putok ng baril at napansin kong hawak-hawak din ni dad si mommy sa ulo para payukuin ito.

"Patayin ang mga kalaban at protektahan sila boss!" Rinig kong saad ng mga tauhan ni daddy at mas lalong dumami ang putok ng mga baril.

"D-dad?" Tawag ko dahil baka may tama na siya ng baril para lang protektahan kami ni mom.

"Don't worry, I'm fine. Are you hurt?" Umiling ako at napatingin kami kay mom at umiling din siya.

"Boss! Tara na po sa loob! Kami na po ang bahala sa mga kalaban." Saad ng isang tauhan at agad kaming tumakbo papasok ng kompanya.

Pagkapasok sa loob ay lahat ng mga empleyado ay natataranta habang may kausap sa telepono. Napatingin naman si mom kay dad na para bang may hinahanap.

"Mabuti naman at wala kang tama, babe." Masayang saad ni mom at napahinga na ng maluwag.

"I told you, I'm safe. No need to worry about me anymore, babe. Trust me." Seryosong sagot naman ni dad at hinalikan si mom sa ulo.

"Dad, sino po 'yung umatake?"

"That's what I want to know also. Let's wait for them to capture someone. Let's go inside the office. I want to tell you something important." Tumango ako at naglakad na kami papuntang elevator.

THIRD PERSON

Nandito ang mga tauhan ng Rokuzza at Alry habang hinahanap ang ga sumugod kanina. Meron na silang nahuling isa at ang iba naman ay patay na.

"Siguraduhin nating walang makakatakas kundi, patay tayo kanila boss." Saad ng isang lalaki at mas inikot pa nila ang buong lugar.

HEAVEN

Nandito na kami sa opisina at nandoon din sila tita Zerah at tito Xander habang nakaupo sa sofa at nainom ng kape.

"Xander..." Tawag ni dad at agad binaba ni tito ang hawak niyang mug. May inabot siyang files kay dad at inabot naman niya sa 'kin 'yon.

Kinuha ko 'yon at binasa. Isang profile at nagulat ako nang nakilala ko agad kung sino ang nasa picture na nandoon.

"S-siya..." Tumango si dad. Ito 'yung lalaking nakabangga ko kanina sa eskwelahan.

"Declan Ayden Sawyer." Pagbanggit ko sa pangalan ng lalaki at napabuntong hininga ako.

Gano'n kaya siya umakto dahil sa alam niya kung sino ako? Hula ko ay oo dahil sa hindi naman siya magiging gano'n kung hindi niya ko kilala, 'di ba?

"Dad, ano na po ang plano?" Tanong ko at umupo sa tabi ni mommy.

"Keep an eye on that jerk. We'll tell the others about him and make sure that he's not going to do something that we didn't want." Sagot ni dad.

"Sige po. Naiintidhan ko po, dad." Sagot ko naman at may kumatok sa pintuan. Nang bumukas 'yon ay nakita namin ang isang tauhan.

"Boss, nahuli na po namin ang mga sumugod kanina." Pagbalita nito at nagkatinginan kami sa isa't isa.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang