Epilogue.

200 8 0
                                    

Date Published: March 18, 2022

HEAVEN

Kanina ko pa binabaril ang mga kalaban gamit ang baril na nasa CCTV para makatulong sa kanila.

"Heaven, ikaw ba 'yung bumabaril gamit 'yung baril na nakakabit sa CCTV?" tanong ni kuya Josiah.

"Oo, kuya. Bakit?"

"Wala lang. Nagugulat ako eh." Natawa ako ng mahina at pinagpatuloy na ang pagbabaril ko sa mga kalaban.

"I'm really shocked to know this. Alry and Rokuzza groups have this kind of weapons and technology," komento ni Reid.

"Hoy! Heaven! Delikado 'yung pagbaril mo!" sigaw ni Evander at napatigil ako bigla.

"Sorry. Nakalimutan kong hindi pindutin 'yung pindutan," sagot ko naman at napansin kong dumating na sila dad dito.

THIRD PERSON

Pagkarating nila Joaquin dito sa campus ay agad nilang hinanda ang mga baril nila. Kasama din nila sila Spencer at Antonio.

Mayro'n din silang kasamang mga pulis at sumenyas na si Spencer na mag-ikot na ang mga pulis para hulihin na ang mga kalaban.

"Let's defeat them all now and finish this," saad ni Joaquin at sumama na sa kaniya si JB para talunin ang mga kalaban.

"Tonio, sigurado ka ba dito? Hindi kaya magalit si Eugene sa 'yo 'pag nalaman niya ang tungkol dito?" tanong ni Spencer.

"I'll explain everything to her. If a friend needs some help, I'll help," sagot naman ni Antonio at tumango si Spencer.

"Hindi ko inaasahan na mapupunta na naman tayo sa ganitong sitwasyon tulad noon," hindi makapaniwalang komento ni Spencer at naglakad na sila papasok ng campus para mapatay na ang mga kalaban.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito si Reid sa fourth floor at nasa harap na niya si Declan. Tinapat nila ang baril sa isa't isa.

"Dad said to kill you now, Dawson. Good-bye, little brother." Nagkaputukan na silang dalawa ng baril at natamaan ni Reid si Declan sa bandang puso nito.

Natamaan naman ni Declan si Reid sa bandang balikat. Bumagsak na si Declan sa sahig at binaril siya ulit ni Reid sa bandang puso.

"Love, you can see us, right?"

"Yes. Why?" sagot naman ni Heaven.

"I'm going to check if he's still alive then, if you notice that he's still alive, kill him immediately," saad ni Reid.

"Sure. I'll do that," sagot ni Heaven at naglakad na palapit si Reid kay Declan para tignan kung patay na ba talaga ito o buhay pa.

Kinuha na niya muna ang baril na nasa kamay ni Declan at hinawakan sa leeg para makita kung buhay pa ba siya o hindi na.

"Guys, Declan is dead," saad ni Reid at tumayo na. Naglakad na siya palayo mula sa kapad at hinanap na ang ama niya na nasa campus lang.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito sila Evander at Josiah sa third floor at binabaril ang mga kalaban nang may napansin si Evander sa kabilang dulo ng hallway.

"Kuya, may tao doon," saad ni Evander at tumingin naman si Josiah sa tinuro nito. May nakita silang lalaki at kilalang-kilala nila ito.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationWhere stories live. Discover now