Pagod na pagod na ako sa paglalaba. Mukhang kailangan ko na naman ng bagong trabaho. Ilang buwan na kasi akong paraket-raket lang. For some reason, no one would hire me as a saleslady. Hindi ko alam kung bakit. Maganda naman ako. And I know how to sell.

"Maghanap ka ng matinong trabaho. Puro ka labada. Puro raket. Hindi ka na nga mapakinabangan nang maayos, dagdag problema pa ang hatid mo!"

I just hung my head low. Hindi na ako nag-atubili pang sumagot. Nakakapagod na.

Through countless arguments with my father, I learned to simply set aside everything and ignore him as much as possible. Nasasanay na rin ako sa mga masasakit niyang salita. Paulit-ulit naman kasi 'yon.

"Sige po. Maraming salamat po."

Another rejection.

Napabuntong-hininga ako. Pang-lima ko na 'tong apply. Ngunit wala pa ring kumuha sa akin. Wala naman kasi masyadong maraming mapagtatrabahuan dito sa San Antonio. Kung dadayo pa ako sa ibang bayan, dagdag gastos na naman 'yan sa pamasahe araw-araw. Ang liit na nga ng sahod, gagastos ka pa para sa ibang bagay.

Nakasimangot akong gumagawa ng wallet at iba pang souvenir items. Stable naman ang kita rito. Nakakapagod nga lang.

"Nandiyan si Ma'am Amanda!"

"Ayusin niyo ang mga paninda! Baka bumili!"

"Sus. Nagpapansin lang naman 'yan dito. Nasa itaas kaya si Gov parati!"

Tahimik lang ako sa ginagawa ko. Hindi ako nag-angat ng tingin.

Sa kabila ng mga isyu na kinakaharap ni Gov ngayon, nagagawa niya pa rin nang mabuti ang kanyang trabaho. Sa katunayan ay palagi siyang pumupunta sa lighthouse kasama ang ibang tauhan para tignan kung maayos ba.

At nakabuntot si Ma'am Amanda.

I'm just their son's girlfriend. And I know I don't get to voice out my opinions freely. But isn't it wrong? May asawa na si Gov. Mayroon na rin si Ma'am Amanda. And yet, the latter is still making her moves.

What irks me the most is that, walang ginagawa si Ma'am Felistina. Madalang ko na siyang nakikita sa bayan. Halos hindi na rin lumalabas sa kanila. It seemed like... she didn't care at all. Mali ba ako sa napagtanto ko noong nakaraan? Was there no love, after all?

Hindi lang naman si Gov ang sadya ni Ma'am Amanda. She's here to make my life miserable as hell. Ngunit sa tingin ng mga naroon, nagmamalasakit siya sa akin. Palibhasa'y 'di nila naririnig ang pag-uusap namin.

"Naiinitan ka, hija. Ang baba lang ng kinikita mo rito, right?"

Nagpatuloy lang ako, hindi siya pinapansin.

"Hindi ka pa makapagtrabaho sa bayan dahil walang kumukuha sa 'yo. Paano na lang 'yan?"

At that, I stopped. Nanlamig ako at nakaramdam ng galit.

Paano niya nalaman? Maski si Sergio ay hindi ko gaanong kinukwentuhan sa paghahanap ko ng trabaho dahil baka may gagawin siya. Kahit ang mga magulang ko, wala silang alam. Kaya... paano?

Of course, there's only one way that she'd know.

Seryoso ko siyang tinignan ngayon.

"Kayo ba ang dahilan kung bakit hindi ako nakukuha sa trabaho?" walang pag-aalinlangan kong paratang.

I was aware of the eyes that are watching our every move. Ngunit wala na akong pake. What they are thinking as of the moment is the least of my concerns.

She faked a gasp.

"Oh my, dear! Paano mo naiisip 'yan? Wala akong ginagawa! I just sensed it. Nagmamalasakit lang ako. Hindi ka pa kasi nakakausad sa labada lang at sa iba pang mababang trabaho," ginala niya ang paningin sa buong paninda ko, "katulad nito."

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now