CHAPTER 20

2.1K 86 33
                                    

LAKAD-TAKBO ANG GINAWA ni Ren at hindi niya na nilingon ang kanyang ina na tawag nang tawag sa kanya.

Gusto niyang makalayo sa lugar na iyon— sa ina niya mismo. Hindi niya matanggap ang pagsampal ng katotohanan sa kanya.

Siya ang kabit ng tatay ni Nate!

She can't take it. She really can't take it. Wala siyang pakialam kung sino ang nakakabanggaan niya basta ang gusto niya lang sa mga oras na iyon ay ang mapalayo sa mga ito.

Lumiko siya sa isang pasilyo at nakita niyang patungo iyon sa ladies room kaya dali-dali siyang pumasok at ini-lock iyon. Bahala na muna ang mga tao sa labas basta gusto niyang mapag-isa. Naduduwal rin siya kaya naman tinungo niya ang toilet bowl at nagduwal nang nagduwal.

Kahit wala nang lumalabas mula sa kanyang bibig ay nagduduwal pa rin siya hanggang sa naramdaman niyang nanghihina na siya.

She slowly stand and grab a thing to hold because she felt her knees wobbled.

"Czaren?" Tawag sa kanya ng may-ari ng boses.

Hindi pala bagay ang nahawakan niya kundi isang tao. Pero unti-unti na siyang iginugupo ng kadiliman hanggang sa tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan.

"Czaren!" Naririnig pa niya ang pagtawag muli nito sa pangalan niya hanggang sa naghisterya na ang boses ng babae na humihingi ng tulong sa kung sinuman.

"Help! Somebody help!"

UNTI-UNTING NAGMULAT NG mga mata si Czaren, at ang bumungad sa kanya ay ang puting pintura ng silid kung saan naroroon siya.

"Gising kana pala.."

Nilingon niya ang nagmamay-ari ng malamyos na boses na siyang narinig din niya nung mawalan siya ng malay sa ladies room. "Doc. Calia.."

Hinaplos nito ang kanyang buhok at ngumiti. "I already called Philip na sabihin kay Nate na nandito ka sa ospital. Siguro on the way na rin naman sila dito." Napahugot ito ng malalim na hininga. "You'll be okay.. You have to, Czaren. And please be very careful. Next time, kung pwede lang wag kang pumunta ng Mall na wala kang kasama."

"O-okay lang naman ako Doc." Kung alam lang nito na hindi naman talaga siya nag-iisa ng mga oras na iyon, at may tinakasan lang. Kaso— hindi niya naman pwedeng ikwento ang mga 'yon basta-basta.

"Sige, sabihin na nating okay ka. Pero paano ang baby sa tummy mo? Okay lang ba siya? Sa palagay mo?" Sunod-sunod na tanong nito pero wala doon ang atensyon niya.

Isang salita lang ang nakaagaw ng pansin niya. Baby.

Calia handed her a paper and she slowly accepted it. Ren can feel her heart beating fast as she scanned the paper that was given to her. And as she read what it says, her eyes slowly widened.

Hindi man niya naiintindihan ang ibang sinasabi sa papel na iyon. Isa lang ang alam niya. Buntis siya. I'm going to be a mother.. good god..

Well it's possible for her to get pregnant dahil hindi naman sila gumagamit ng anumang contraceptives na pwedeng gamitin. Hindi rin nila napag-usapan ang mga posibling mangyari kung sakaling mabuntis siya — at ngayong kumpirmado nga ay nangyayari na. Buntis na siya, paano na?

Paano na lang kung malaman ni Nate na anak pala siya ng babaeng kinamumuhian nito — ng kabit ng tatay nito?

Ren massage her temples. She's in dazed. Really. But she needs to decide now. One thing is for sure. She's afraid that Nate might be super duper mad at her, because she's a daughter of a mistress. The mistress of Nate's father.

"Czaren, stop thinking a lot. Nakikita kong iyon ang ginagawa mo ngayon. Pero please.. for your baby. Stop that." Tumungo siya dahil sa sinabi ng doktora. "Well, rest for now. I'll be in the nurse station to ask something from the nurses—"

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon