CHAPTER 1

3.1K 108 74
                                    

NABULABOG ANG mahimbing na tulog ni Ren nang marinig niya ang maingay na tunog ng kanyang alarm clock na nasa bedside table niya. Kinuha niya ito at pinatay, saka siya nagmulat ng mga mata.

"5:30." Usal niya.

She still wants to continue her beautiful sleep pero maya-maya lamang ibang alarm clock naman na ang narinig niya.

"Oi Czaren! Czaren! Aba'y mahuhuli ka sa unang byahe ng pump boat apo. Alam kong gising kana kaya bumangon kana dyan at maligo. Dali na! Czaren!"

Habang sinasabi iyon sa kanya ng kanyang mahal na lola ay sinasabayan niya naman ang bawat pagbigkas ng mga kataga mula sa bibig nito.

Oo, kabisado niya na ang lahat ng linyahan nito bawat araw. Pero kahit ganun pa man, sobrang mahal na mahal niya ang kanyang lola Carina, dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Ito ang tumayong ama't ina niya simula't sapol.

"Eto na nga 'la eh. Bababa na po." Pinilit niya nang bumangon at gawin ang mga dapat gawin pagkatapos ay bumaba na siya para mag-almusal.

"Ikaw talagang bata ka, di ba sinabi ko sayo na kapag araw ng klase ay hindi ka muna makikipagchismisan doon kila Julie, ano bang meron doon at gabi-gabi kang naglalagi eh wala naman doon si Nathaniel." Litanya nito.

"La!" Czaren can't believe what her lola just said.

Ngumisi sa kanya si Lola Carina. "Hoy apo, papunta ka pa lang, pabalik na ako kaya wag ako. Akala mo ba, hindi ko napapansin? Oo, hindi ka galing sa akin, pero ako ang nag-alaga sayo kaya alam ko ang mga ikinikilos mo. Alam kong itinatangi mo iyong binata na iyon pero sinasabi ko 'to sayo ha? Rendahan mo 'yang palda mo dahil malalaman ko kung naisuko mo na ang bataan at, kapag nangyari iyon— kakalbuhin kita pati iyang buhok mo sa ibaba."

Namula si Czaren sa turan ng kanyang lola. "La!"

"O bakit?"

"Wala kasing buhok sa ibaba. Malinis po." Nahihiya pa niyang pag-amin sa matanda.

"Ikaw na bata ka!"

"La, hindi na ako bata. Kaya ko na po'ng gumawa ng bata."

"Czaren! Hay naku! Tataas ang presyon ko sa'yong bata ka!" Reklamo nito.

Si Ren naman ay napangiti lang sa kanyang lola. Linyahan na nito ang mga katagang binanggit kaya natutuwa siyang asarin ito.

"Lola, pa'no tataas ang presyon mo kung anemic ka naman?"

Sumimangot lang sa kanya ang matanda. "Hala sige na kain na at malapit nang sumapit ang alas-sais, ayaw mo naman sigurong mahuli sa klase di ba?"

Now it's time for Ren to frown. "Kasi naman, payagan niyo na akong mag-boarding house. Promise ko naman mag-be-behave ako eh." She showed her Lola the best puppy face that she has.

Tumaas naman ang kilay ng kanyang lola Carina. "Mamatay?"

"Patay agad? Grabe siya o. Napaghahalata tuloy na ayaw niyo na talaga sa akin eh." Kunwariang drama niya.

"Mamayang gabi mo na ako dramahan Ren kapag nakauwi kana. Sa ngayon, bilisan mo na ang kilos mo at nang hindi ka mahuli sa klase mo."

Tulad nang sinabi ng kanyang lola ay binilisan nga ni Ren ang paghahanda para sa araw na iyon. Ayaw niyang ma-late sa klase dahil kahit naman nasa isla siya ay nagagawa pa din niyang gumising ng maaga para maaga din siyang makapunta sa paaralan niya.


"BAKIT SAMBAKOL 'yang mukha mo?" Tanong ni Julie sa kanya habang nakasakay sila ngayon sa pump boat na patungo sa siyudad.

Napa-pout na lang si Ren. "Si lola kasi, ayaw niya talaga akong payagan na manatili sa siyudad tapos tumira sa boarding house. Alam mo kasi Lei, nakakapagod kaya minsan. Kailangan maaga matulog para maaga ka din magising. Sabado at linggo nga lang ako nakakatulog nang maayos e." Reklamo niya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now