CHAPTER 11

2.5K 94 58
                                    

SINCE the day she met the woman in her graduation day— hindi na nawaglit sa isipan ni Czaren ang babaeng tinawag siyang anak. She can still remember her face. She can see a lot of emotions that she can't name on her eyes full of tears. Regret? Misery? Ah— she can't name it.

Goodness! That was a year ago Ren!

Kastigo niya sa sarili. Dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya pa rin makalimutan ang mukha ng babaeng iyon. Naiisip niyang sabihin sa lola Carina niya ang nangyari noong graduation day niya pero mas pinili niyang itikom ang bibig at magbingi-bingihan sa isinisigaw ng kanyang isipan. Because she knows that her grandmother don't like to hear about her mother. Hindi niya alam kung bakit dahil ayaw naman nitong magsabi sa kanya and at the same time, she don't want to ask also.

"Ren? Apo? Akala ko ba pupunta ka sa bayan para bumili ng cake?" Untag ng kanyang lola sa kanya.

Bigla naman siyang natauhan kaya napalingon siya sa lola niya. "Ano pa 'la? Cake?"

Napatampal ang lola ni Ren sa noo nito. "Oi Ren, nagkajowa ka lang naging ulyanin kana"

Ren looked at her grandmother flatly, "Luh, jowa talaga. Lola naman, boyfriend po. Boyfriend."

"Parehas lang yan. May plano na ba kayong magsama ng binatang yon?" Hindi naman siya umiinom ng tubig pero nasamid siya sa tinuran ng kanyang lola.

Hindi niya mapigilang mapaubo. "La naman, wala pa kami sa ganun.. Wag naman kayong magmadali—"

"At kailan pa ako magmamadali? Kung malapit na akong mawala sa mundo? Aba, apo, hindi na ako bumabata. Gusto ko din naman makita ang mga apo ko sa tuhod habang malakas pa ako. Gusto ko pang makipaglaro sa kanila, at makipaghabulan. Gusto kong—"

Nanikip ang dibdib ni Ren. She can't imagine her life without her grandmother. "Lola... Please.. Wag po kayong magsalita ng ganyan. Paano na lang ako kapag nagkaganun?"

Ngumiti ang kanyang lola sa kanya. "Kaya nga, noong kinausap ako ni Nathaniel nang masinsinan-"

"Huh? Kinausap ka niya? Kailan? Parang hindi ko pa naalala na pumunta siya dito at nakipag-usap sayo ah?" Salubong ang kilay na tanong niya sa kanyang abuela.

"Nung isang taon pa. Bago siya manligaw sayo." Parang balewalang sagot ng lola niya habang naghihiwa ng kamatis.

Out of curiosity Ren ask her grandmother. "Ahm, ano naman napag-usapan niyo 'la?"

Huminto ang kanyang lola sa paghihiwa ng kamatis at seryosong tumingin sa kanya ng ilang segundo. "Gusto mong malaman ang napag-usapan namin?"

"Opo naman." Nakangiti pa niyang sabi sa lola niya.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang lola niya. "Sabihin mo muna, yes master."

What the?! Napanganga si Ren sa binitawang salita ng kanyang lola. What did she say? "Paki-ulit nga po nang sinabi niyo 'la?"

Her grandmother just laughed at her. "Hay naku, ito naman kasing si Nelson kung anu-ano itinuturo sa akin." Saka tumawa na naman itong muli kaya pati siya ay nahawa na din at nakitawa.

Matagal na yan. Reklamo nang reklamo ang kanyang lola sa baklang si Nelson pero nakikipag-chikahan pa din naman. Hay naku talaga.



"MAGANDANG hapon Monay!" She greeted the owner of the bakeshop. Bestfriend ito ng kanyang kaibigan na si Thadei. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit Monay ang palayaw nito. Pero dahil sa nakasanayan na nila na tawagin itong Monay na okay lang din naman dito kaya iyon na ang tawag nila sa napakagwapong binatang may-ari ng bakeshop. Ang EatMe Bakeshop.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now