CHAPTER 8

2.5K 91 62
                                    

NARIRINIG na ni Ren ang malakas na lagaslas ng tubig. At alam niyang malapit na sila sa falls na sinasabi ni Nate sa kanya.

Nilingon niya ang binata. "Pa'no mo napapayag si Sir Philip na siyang mag-assist sa mga classmates ko?"

Nate just give her a sly smile. "Just because, love. Just because."

She glared at him. "Umayos ka Nate ha kung hindi susungalngalin kita. Kapag ako napahamak ng dahil dyan sa kahalayan mo. Ewan ko na lang sayo!" Tsaka naalala niya. "Baka hanapin ako nila Julia—"

"Nope." He's confident with his answer kaya naman mas lalo siyang nagduda dahil sa sinabi nito.

"How? I mean, paano mo nasabi na hindi nila ako hahanapin? Mukhang sure na sure ka. Hmm.."

Hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi ni Nate. "Just because, love. Just because—"

"—isa pang kaka-just because mo, itutulak na kita." Pigil niya sa sinasabi nito.

Napahalakhak ang binata saka siya inakbayan nito habang inaalalayan siya sa paglalakad sa medyo malubak na daanan. Pero ang pagtawa nito ay kaagad natigil ng may mapansin ito sa di-kalayuan.

"Stop." He stopped her. "Do you trust me love?" Tanong nito sa kanya.

"No." Walang pag-aalinlangang sagot niya. "I don't trust you."

Napangiwi ang binata dahil sa isinagot niya. Saka matiim siyang tinitigan.

"Trust me in this one Czaren. I won't let you down."

Her mind is shouting not to trust him but, "Okay." she uttered the words directly to him because her heart is whispering her to trust the man infront of her.

May kinuha si Nate sa bulsa ng suot nitong pantalon. It's an eye mask for sleeping. Isinuot iyon sa kanya.

"Wag mong subukang sumilip ha?" It's like he's asking her and at the same time ordering her what to do. 

"Oo na." Sagot na lang niya.

Iginiya na siya nito sa paglalakad at dahil sa medyo masakit pa ang talampakan niya ay dahan-dahan lamang silang naglakad hanggang sa huminto na sila. Ren can hear the loud pouring of waters not so far from her at tiyak niyang nasa may falls na sila.

"Pwede na bang tanggalin ang piring sa aking mga mata, Sir?" Tanong niya.

Nate grunted as if he doesn't like being called "Sir" by her kaya napangisi naman si Ren.

"You can take it off now love.." he softly said.

Dahan-dahan na tinanggal ni Ren ang piring sa kanyang mga mata at nang makita niya kung ano ang nasa harapan niya ay napanganga siya. Kapagkuwan ay tumingin siya sa gawi ni Nate. "You.. W-what's this?" She pointed the picnic blanket that has a lot of food in it then at the bouquet of flowers also. Her favorite. Tulips.

Iginiya na siya ng binata patungo sa picnic blanket na nakalatag malapit sa talon and Nate pick the bouquet of flowers and give it to her. "For you Czaren.. Surprise." Napapakamot pa ito sa ulo habang sinasabi iyon.

Nate is like a shy boy now with the gestures he's showing in her.

"Para saan 'to?" Tanong niya na nagpabalik-balik ang tingin sa binata at sa hawak niyang mga bulaklak.

"F-for you.." nahihiya pang sabi nito. "Ahm.. Pwede bang manligaw?"

Ano raw?

"H-huh?" Shit, bakit ako nauutal, I'm not ready Lord. Kinikilig na siya pero syempre, hindi niya pwedeng ipahalata iyon sa binata. "Paki-ulit nga nang sinabi mo?" Well, I just want to be sure. Baka kasi guni-guni ko lang..

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Donde viven las historias. Descúbrelo ahora