CHAPTER 6

2.6K 91 118
                                    

NAPASIMANGOT si Ren nang makita ang malaking ngisi sa mga labi ng kanyang mga kaklase lalong-lalo na si Julia at Gerald.

Ayaw man niya ay napasama siya ng mga ito. Nakakainis, hiwa-hiwalay ang camping place namin nila Lei. Eh di sana mas masaya 'to. Bulong niya sa kanyang isipan.

Kaagad na nagboluntaryo si Gerald na ito ang magdala ng backpack niya pero kaagad naman siyang tumanggi sa binata.

"Huwag na, mabigat 'to—"

"Kahit ikaw pa ang buhatin ko baby Ren kaya ko." Kumindat pa ito sa kanya at talagang dama niya ang paninindig ng kanyang mga balahibo sa sinabi nito.

"O Ren, bigay mo na daw. Hayaan mo na yang si Gerald na siyang magbuhat ng mga gamit mo." Turan ni Julia sa kanya saka tinapunan nito ng tingin ang binatang si Gerald. "Baka naman pati gamit ko, pakidala na din Gerald tutal magkaibigan naman kami ni Ren e." Napatawa pa ang dalaga sa nakitang disgusto sa mukha ni Gerald pero tumango na lang din ito sa huli.

"Attention everyone!"

Napahinto sila sa bahagyang pagsigaw ni Sir Nate sa kanilang klase.

"Sisimulan na natin ang pag-akyat sa bundok ng Mi Amor. Hindi magiging madali ang pag-akyat pero sumunod lang tayo sa ating mga tour guide. And you will be having your own partner, para may aalalay sa inyo so boys—" Tumingin ito sa gawi ng mga lalaking classmates niya. "— it's time to be a gentleman. Come here, and pick a paper. Nasa loob niyan ang pangalan ng magiging kapartner niyong babae.

"Now since, we have 27 ladies here, and the boys are 26 only— ako ang magiging kapartner ng matitirang babae. Okay?"

Impit na napatili ang kanyang mga babaeng classmates at rinig na rinig niya ang mga bulungan ng mga ito.

"Sana ako ang maging kapartner ni Sir Nate."

"Hindi, asyumera 'to. Siguradong ako ang magiging kapartner niya. Feeling ko kasi meant to be kami!" Napatili pa ang mga ito.

Sumingit naman si Julia. "Hoy mga bruhita! Wag na kayong umasa dahil kami ang magiging partner ni Sir Nate at for life na yon!"

Nagkatawanan pa ang mga babae niyang kaklase. At panay ang hiling na sana sila ang maging kapares ni Nate sa paglalakad. Pero siya? Hiling niyang sana hindi siya ang matirang babae na walang kapartner dahil hindi niya gustong makapares ang binata.

"Okay, nakabunot na ba ang lahat?" Tanong ni Nate. Tumango naman ang mga lalaki doon. Napansin niya din ang pagsimangot ni Gerald. Bakit kaya? "Go to your partners and fall in line para makapagsimula na tayo sa mahaba-habang paglalakad.

Nagsipuntahan na ang mga kalalakihan sa mga partners ng mga ito at unti-unti ay nababawasan silang mga babae sa kanilang kumpol hanggang sa siya at si Julia na lang ang natira. At nakita niyang papalapit si Gerald sa kanilang pwesto.

Okay na 'to. Wag lang si Nate. Please lord. Wag lang—

"Halika na Julia." Pag-aaya dito ni Gerald.

Nooooo!

Damang-dama ni Ren ang pagpoprotesta ng bawat hibla ng kanyang katawan.

Nadako ang tingin niya sa binata na ngayon ay papalapit na sa kanya. Pero bago yon, ay kinuha muna nito ang kanyang backpack kay Gerald at ito ang nagdala.

"Looks like we really belong to each other Miss Tesoro." Nakangisi nitong turan sa kanya.

Siya naman ay sinamaan ito ng tingin. "Sinadya mo noh?" Mataray niyang tanong dito.

"Huh? Sinadyang ano?" Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka pero hindi siya naniniwala sa maamong mukha nito.

"Wag ka nang magmaang-maangan pa Sir. Sinadya mo na ako ang walang partner para bumagsak pa din ako sayo!" Bahagyang sigaw niya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now