CHAPTER 15

2.4K 85 43
                                    

"LOVE WAKE UP.." Mahinang yugyog sa kanya ng kasintahan.

Maghapon siyang natulog dahil mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Masakit na masakit ang kanyang buong katawan lalong-lalo na ang kanyang pagkababae. Kung kaya't maghapon lang siyang nakaratay sa kanilang kama.

Dahan-dahang iminulat ni Ren ang kanyang mga mata at ang una niyang nakita ay ang maamong gwapong mukha ni Nate. Nakikita niya din sa mukha nito ang matinding pag-aalala sa kanya. Maamo nga ang mukha, mabangis naman sa kama.

"Anong oras na love?" Tanong niya.

Tiningnan nito ang cellphone na dala bago lumingon sa kanya, "It's three o'clock in the afternoon. Maya-maya darating na sila Philip dito."

Bigla tuloy siyang napabangon dahil sa gulat ngunit kaagad naman siyang napasigaw dahil sa matinding sakit na lumukob sa kanyang buong katawan. Kaagad naman siyang dinaluhan ng kasintahan.

"Love, wag kana munang gumalaw. Baka mas lalo ka pa'ng mapaano eh.." halata sa boses ng kasintahan ang matinding pag-aalala at nakikita niya ring guilty ito dahil sa nangyari sa kanya.

Oo nga, at siya ang nag-initiate na makipagtalik ito sa kanya pero hindi niya naman inaasahan na tototohanin nito ang sinabing buong gabi siya nitong aangkinin hanggang sa humindi na siya. Bruha, ngayon nagrereklamo ka eh puro ka nga more ng more kagabi kaya magtiis ka! Kastigo ni Ren sa sarili.

"Grabe naman kasi 'yang agila mo love! Ang tindi. Sabongero ba yan?"

Natawa ang binata sa sinabi niya at bahagya pa itong napakamot sa ulo nito. "I'm.. I'm not sorry for making fucking love to you all through the night, love. I'm just guilty and very much worried now. Nilalagnat ka pa.. Kung pwede lang akuin ang lagnat at lahat ng sakit na iniinda mo, inako ko na..."

Czaren heaved a deep sigh, "Come here love.."

Dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata. At ingat na ingat itong hindi masagi ang kanyang katawan. Czaren can't help but to be amused by Nathaniel's actions. "Ilapit mo ang mukha mo sa akin." Utos pa niya na sinunod naman nito.

Nagulat ito nang bigyan niya ito ng matunog na sampal at napahimas ito agad sa kanang pisngi nito. "What t—" pinandilatan niya ito. "Love naman, bakit mo ako sinampal?"

She looked at him flatly, "nagtatanong ka pa talaga! Sinabi ko naman sayo kagabi na ayaw ko na, humirit ka pa nang humirit!"

Napakamot sa ulo ang binata, "but love, you asked for it—"

"Sinabi ko ba'ng hindi? Pasalamat ka at agila iyang sayo kung hindi—" sinadya niya pang bitinin ang sasabihin.

Para namang kinabahan ang binata dahil sa naging aura niya. "A-ano? Kung hindi— ano?"

"Puputulin ko yan."

Namutla ang binata sa sinabi niya kaya naman kahit nananakit pa ang katawan niya ay hindi niya na pinigilan ang paghulagpoa ng tawa, habang napapasimangot na namumutla si Nate ng dahil sa sinabi niya. Pero maya-maya lang ay umayos na din tabas ng mukha nito at nilambing siya nito ulit.

NAALIMPUNGATAN SI REN sa iba't-ibang boses na naririnig niya mula sa baba. And because she's still weak and has body pains— and vaginal pain. She just lie in bed and wait for the owner of the voices to come up stairs.

Di naman nagtagal ay narinig niyang may mga yabag na papaakyat ng hagdan, at nang marating na ng mga ito ang kinaroroonan niya ay napakunot ang noo niya— hindi kay Nate kundi sa babaeng kasama nito.

Nakasuot ito ng simpling black t-shirts at black ripped jeans. Her brunette hair is fixed in a messy bun, but it really suits her. The woman shouts for simplicity and elegance— at the same time.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon