PROLOGUE

4.6K 138 67
                                    

"BRUHA bakit nakasimangot ka?" Napalingon si Ren kay Nel nang magtanong ito sa kanya.

Nasa likod niya na pala ito kasama na ang ibang mga inoxentes at kasalukuyan silang nasa tambayan na tanging sila lang ang pwedeng magpunta doon.

Humugot ng malalim na hininga si Ren. "Ga-graduate na tayo ng Junior high school tapos two years sa Senior high naman. Tapos maghihiwalay na tayo nang papasukang paaralan. Nakakalungkot lang."

"Emo ka girl? Ang advance mong mag-isip ah." Untag ni Julie.

Sinimangutan naman ito ni Ren. Panira ng moment minsan itong kaibigan nila.

"Attitude ka girl? Panira ka talaga ng moment ko kahit kailan. Pasalamat ka—"

Julie grinned. "Pasalamat ako dahil inlababo mucho mucho ka sa kuya ko. Ki-bata-bata mo pa, lumalandi kana. Gayahin mo kaya ako."

Narinig naman nilang pumalakpak sa di kalayuan sina Thadei, Leslie at Maan.

"Wow!"

"Palakpakan!"

"Bravo!" Pahabol pa ni Thadei.

They glared at Julie like she just made a joke.

"Sino kaya ang stalker dito?" Tanong ni Leslie.

"If I know, sobrang crush niyan si Sir Nicc. Aba at pangarap agad niyang magtrabaho sa winery farm para makita araw-araw si Sir Nicc e." Turan ni Thadei.

"Bunganga niyo ha! Hindi ko kailangan ng bashers— ang kailangan ko support." Pinagdikit pa ni Julie ang mga daliri habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Kinurot naman ni Czaren ang pisngi ni Julie. "Alam mo sis, ang cute mo na sana. Kaya nga imbes na ikaw ang maging basher ko sa puso ng kuya mo, why don't you support me too di ba?"

"Tomo." Pahabol ni Maan.

Iwinagayway naman ni Julie ang kamay niya sa ere. "Siya, siya, siya. Basta ha— kailangan kayo ni Kuya Nate ang magkatuluyan. Patinuin mo na si Kuya. Masyadong babaero e."

Nalungkot si Czaren sa sinabi ni Julie sa kanya. Totoo na babaero nga ang kuya nito pero ewan ba niya. Gustong-gusto niya talaga si Kuya Nate, kahit na ang turin sa kanya ay nakababatang kapatid lamang.

Kasalanan niya bang nauna itong ipinanganak kaysa sa kanya?

Kasalanan niya bang magkagusto ng palihim sa binata?

Minsan napapaisip siya kung bakit nagustuhan niya ang kuya ni Julie gayong sobra naman itong babaero. Pero pagdating sa kanilang magkakaibigan ay napakamaalaga nito.

Palagi silang sinusundo sa paaralan sa tuwing mag-uuwian na dahil ayaw ntong nakikitang may lumalapit na ibang mga lalaki sa kanila.

Minsan hinihiling niya na sana palusot lang nito ang paghatid at pagsundo sa kanila upang makita siya.

Ayie! Kinikilig ka na naman bruha! Sita niya sa sarili. Hindi niya namalayan na ngumingiti na pala siya at pinagtitinginan ng mga kaibigan niya na parang nababaliw na siya.

"Masama na ang tama nito Lei. Mukhang si Kuya Nate lang ang tanging makakagamot dito." Panunukso sa kanya ni Nel.

Napapabungisngis na lang ang iba niyang kaibigan dahil sa sinabi ni Nel. 

"Hays, nakakainis kasi. Madami namang gwapo sa school natin pero bakit ganon? Bakit si Kuya Nate pa din ang gusto ko? Bakit kahit alam kong marami na siyang babaeng pinaiyak, siya pa rin ang hinahanap-hanap ko? Ayoko nito mga bruha." She's getting tired of liking someone who doesn't even notice her as a lady— and not as a sister.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now