CHAPTER 5

2.5K 105 39
                                    

"SO THERE you go class. The day after tomorrow will be our camping at Mount Mi Amor. Remember that you already have the parents or guardian's permit at kayo na ang bahala na magpapirma sa mga magulang o legal guardians niyo. Bring it on Tuesday and of course, your things— and yourself too" Usal ni Nate habang nagkatawanan naman ang mga kaklase ni Ren "We will stay at Mount Mi Amor for two days okay? So make sure to pack your things— completely, including your food." Salaysay pa nito.

"Oi Ren, sama tayo ah?" Untag sa kanya ni Julia pero tiningnan niya lang ito habang napaangat naman ang kilay ng kanyang kaibigan.

"Anyare? Bakit parang wala ka sa mood ngayon?" Usisa nito.

Umiling lang siya pero hindi pa rin niya kinibo ang kaibigan. Wala talaga siya sa tamang kondisyon para makipag-usap pero sadyang makulit ang kaibigan niya.

"Ano na nga Ren, sama tayo ah? Naku! Madami ang afam doon!" Kinikilig pa ito.

"Matutulog na lang ako sa bahay kesa sumama sa camping na yan." Aniya.

"Grabe naman 'to ang kj o—"

"Those who will join the camping will have an additional points in all subjects, for your information." Pahabol pa ng adviser nila.

"O Ren, narinig mo yon? Kaya sama kana!" Pagkukumbinsi pa sa kanya ng kaibigan.

Umiling lang si Ren, sakto naman na nag-ring ang bell ng paaralan hudyat na tapos na ang kanilang klase at dahil bakante ang oras na iyon ay naisip na ni Ren kung saan siya tatambay. Sa library. Kaya dali-dali niyang inayos ang kanyang kagamitan  at isinukbit ang kanyang bag.

"Goodbye class." Paalam ni Nate sa kanilang klase.

"Goodbye sir!"

Tumingin sa kanyang gawi ang binata. "Miss Tesoro, can I have a minute please?"

"Oi Miss Tesoro daw." Pagbibiro niya kay Julia.

Nagsalubong naman ang kilay nito sa kanya. "Kailan pa ako naging Miss Tesoro, aber?" Bahagya tuloy siyang natawa dahil sa mukha nito. "Sa canteen na lang ako maghihintay, kausapin mo na muna si Sir Nate, mukhang importante eh."

Important my ass.

Hindi na siya nakatugon nang mabilis itong nagligpit ng gamit at dali-daling lumabas ng pintuan.

Habang si Nate naman ngayon ang lumapit sa kinaroroonan niya pero hindi niya ito tinapunan ng tingin.

Mabilis din siyang nag-ayos ng kanyang mga gamit. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang binata.

"Ren.. Let's talk, please.." pagsusumamo nito sa kanya.

Hindi niya ito tinapunan ng tingin at ipiniksi niya ang kanyang braso na hawak nito, saka ito tinalikuran ngunit napatda siya ng bigla siya nitong hilahin at pinaharap dito.

"Ano ba?!" Di niya tuloy napigilan ang pagtaas ng kanyang boses dahil sa ginawa nito.

"Please.. Let's talk. Let me explain my side love.." anang binata kay Ren.

"I don't need an explanation even if it has an acceptable reason— Sir Nate." Bawat katagang lumabas sa bibig ni Ren ay may diin.

"But—"

"No buts." Putol niya na naman sa balak pa sanang sabihin ng binata sa kanya. "Tsaka, walang tayo kaya kahit mambabae ka pa, Sir, okay lang kasi buhay mo yan e." Nakita ni Ren ang gulat na bumalatay sa gwapong mukha ng binata. Masakit sa dibdib ang mga katagang binitawan niya pero ayaw niyang siya ang magdusa sa huli.

"So, ganun na lang yon, Ren? Ipagsasawalang bahala mo na lang ang nangyari sa atin?!" Pambihira 'tong lalaking 'to! Ako pa talaga ang binaliktad ngayon. Bahagyang sigaw nito.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang