CHAPTER 3

2.8K 105 83
                                    

INIPON NI CZAREN ang lahat ng lakas na meron siya at malakas na itinulak ang binata.

Gayon na lang ang gulat na bumalatay sa mukha ng binata. Pero mas nagulat pa ito nang binigyan niya ito ng isang matunog na sampal.

"Bastos! Igalang mo naman sana ako Sir." Saka niya ito iniwang nakatulala habang nakahawak ang binata sa pisngi nitong sinampal niya.

Dali-dali na siyang umalis sa rooftop building at tinungo ang classroom para sa second subject niya pero parang nagsisi siya dahil pagdating niya sa silid ay naroon ang asungot sa buhay niya.

"Ren! Baby ko!"

Napasimangot si Ren nang makita ang  isa sa masugid niyang manliligaw na kahit ilang beses niya nang binigo ay sige pa rin sa panliligaw sa kanya.

At alam niya naman kung bakit hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin sa kanya ang asungot. Kasi, isa siyang malaking pagsubok sa reputasyon nito sa paaralang iyon. Lahat yata nang niligawan nito ay napasagot maliban sa kanya.

"Pwede ba Gerald? Nananaksak ako kapag wala ako sa mood." Sita niya rito.

"Okay lang baby, tutal matagal mo na naman akong sinaksak eh. Tagos hanggang buto." Sinapo pa nito ang dibdib kaya't nagkatawanan ang mga kaibigan nito.

"Ren sagutin mo na kasi si Gerald. First year college pa 'yang nanliligaw sayo ah?" Hirit sa kanya ni Derek na bestfriend ni Gerald.

"Pwede ba?! Pare-parehas lang kayong mga lalaki eh! Lubayan niyo nga ako!"

Naiinis na nga siya kay Nate ngayon tapos dadagdag pa ang dalawang kumag, kaya nagpasya na lang siyang pumunta ng canteen at bumili na lang ng pagkain.

Yeah, food is life.



"ANONG DRAMA MO ngayon bruha?" Tanong ni Ren kay Leslie.

Kasalukuyan silang nasa tambayan dahil wala naman silang pasok. Holiday kasi kaya heto sila at nagpasyang tumambay muna.

"Si Val kasi.." nakikita ni Ren na mukhang iiyak na ito.

"Ano na naman si Val?" Tanong ni Thadei. "May bago na namang jowa?" Dagdag pa nito.

"Ouch naman. Sakit non Dei." Biglang singit ni Julie. "Ganito kasi yon Dei dapat. Les, sabi ko naman sayo, wag na si Val. Alam mo naman na babaero ang damuhong iyon. Tangina niya lang, balik ko siya sa palda ng nanay niya e!"

Nagkatawanan silang lahat ng nandoon dahil sa sinabing iyon ni Julie.

"Ewan ko ba, may nanliligaw naman sa akin pero bakit ganon? Bakit si Val pa rin hinahanap ng puso ko? Pwede bang maturuan ang puso?" Madamdaming aniya.

Bigla siyang nakadama ng awa sa kaibigan. Dahil alam niya din ang pakiramdam ng ganon. Yong gustong-gusto niyang turuan ang kanyang puso na wag nang mahalin pa si Nate kasi alam niyang walang kasiguruhan ang nararamdaman niya para sa binata.

Pero ano 'yong mga sinabi niya kahapon sa akin? Ano yun joke? Pero kasi dapat di ako maniwala kasi, alam kong babaero ang damuhong yon. Pero bakit niya ako hinalikan? Shuta, muntik na yon. Muntik na akong maging marupok ng dahil sa kanya. Muntik na a—

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now