CHAPTER 7

2.6K 92 46
                                    

NARATING nila ang tuktok ng Mount Mi Amor at pare-parehas silang lahat na namangha sa ganda ng mga tanawin na kanilang nakikita.

"Ang ganda!" Bulalas ni Ren. Karga-karga pa din siya ni Nate kahit na nakarating na sila sa tuktok ng bundok.

"Yeah.. Ang ganda nga. Sobra." Napatingin siya dito at huling-huli niya na sa kanya nakatingin ang binata habang may pamatay kilig na ngiti. Shit! Ang panty este ang heart ko, baka malaglag.

"I-ibaba muna ako Sir.."

"Nope, inaayos pa nila Abrugar at Ramos ang tent niyo ni Miss. Torres." Agap nito.

"Pero kaya ko nang maglakad." Pangungulit niya.

Tumitig lang sa kanya ang binata ngunit hindi ito nagsalita. Kita mo 'to, di ko ma-gets minsan.

Maya-maya lamang ay lumapit na sa kanila sina Gerald.

"Sir okay na po ang tent nila Ren. Uhm, ako na lang po ang maghahatid sa kanya." Turan ni Gerald.

"No, ako nah, saka mabigat si Miss Tesoro baka mabalian ka ng buto." Anito.

Hindi tuloy napigilan ni Ren ang pasimpling pagkurot sa binata. Napa- "aray" naman ito pero hindi nito ipinahalata kay Gerald. Inihatid na siya nito sa kanilang tent ni Julia. Dahan-dahan siyang inilapag nito sa matress na naroon sa loob ng tent at iningatan pa rin nito na hindi masagi ang kanyang paa na ngayon ay namamaga na.

Landi pa more. Kastigo niya sa sarili.

"Let me see." Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala nito lalo na nung makita nito ang pamamaga ng talampakan niya. "Namamaga na. Mukhang kailangan mo nga'ng magpahinga.."

Kumuha ito ng unan at ipinatong iyon sa kanyang bag na nilagay nito sa may paanan niya. "Kukuha lang ako ng yelo para malagyan natin ng cold compress ang talampakan mo. Mababawasan din niyan ang pamamaga."

Lumabas na ang binata sa tent niya. Hindi tuloy maiwasan ni Ren ang mapangiti dahil sa nakikitang pag-aalala sa mukha ng binata.

Alam niya namang masama yon pero ano nga bang magagawa niya? Eh, malakas ang amats niya e. Kaya nga sa lakas ng amats niya para sa binata ay natisod siya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang paa kaya naman napadaing siya. Sakto namang papasok na si Nate at Julia.

Kaagad na lumapit ang mga ito sa kanya at umagapay.

"Ren, anong nangyari sa'yo? Tsaka bakit namamaga 'yang paa mo?" Tanong ni Julia.

Duh, alangan naman sabihin kong natisod paa ko kakaisip kay Nate.

"Natisod siya. Hindi niya nakita ang nakausling ugat ng puno. Masyado kasing gwapo ang iniisip niya kaya ganun ang nangyari." Pinandilatan niya ng mga mata si Nate. Aba't!

Napahagikhik naman si Julia at tinampal ang braso ni Nate na nagpakunot ng noo ni Ren at oo, tumaas ang temperatura niya sa ginawa ng kaibigan.

"Ikaw talaga Sir, masyado ka'ng palabiro. Hindi naman siguro iyon ang iniisip ni Ren. Baka talagang aksidenti iyon." Pasimpli pa'ng humagod ang kamay nito sa braso ng binata at bahagyang pumisil.

Aba't talaga namang may lihim na landi 'tong babaeta na 'to! Sa isip ni Ren. "Ah-ouch! Aray!" Daing niya.

Agad namang naalarma si Nate at kaagad na nilapat sa kanyang namamagang talampakan ang dala nitong cold pack na hindi alam ni Ren kung saan nito nakuha.

"Masakit pa ba?" Malumanay na pagkakatanong nito. "Stay still." Kapagkuwan ay nilingon nito si Julia. "Miss Torres, bumalik kana sa grupo niyo. Nagsisimula na ang mga activities niyo. Miss Tesoro here is injured kaya hindi siya makakasali. Pakisabi kay Sir Philip." Untag ni Nate kay Julia.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now