CHAPTER 2

2.8K 106 78
                                    

BUONG klase ay lutang ang isipan ni Ren. Mabuti na nga lang na hindi siya pinagtutuunan ng pansin ng kanyang guro. At kahit naman na nagtatanong ito sa klase ay hindi niya magawang sumagot, hanggang sa natapos na lang ang oras ay nakaupo pa rin siya sa kanyang upuan.

"Oi Ren! Halika na, may next subject pa tayo o." Kinalabit siya ng kanyang kaklase at kaibigan na si Julia.

"H-huh?"

Kumunot naman ang noo ng kaibigan niya. "Okay ka lang ba Ren?"

Sasagot na sana siya ng biglang may kamay na humaplos sa noo niya. "You okay?" Masuyong usal ni Nate sa kanya.

Bigla niya naman na iniwas ang kanyang mukha dahil ramdam niya ang pag-init at pamumula ng kanyang mukha. "O-okay lang po ako — Sir." Aniya saka inayos ang kanyang mga gamit, nilingon si Julia at tumayo na. "Halika na Juls."

Pinigilan siya ni Nate sa pamamagitan nang paghawak nito sa kanyang braso kaya napalingon siya dito at napakunot ang kanyang noo. "Bakit po Sir?"

"You're not okay. Mainit ka din. You need to go to the school clinic — I'll accompany you Miss Tesoro." Anito.

Ano daw? Boyset 'tong damuhong 'to!

Pagak na tumawa si Ren sa tinuran ng binata. "Sir, wala po akong sakit. Nagkakamali lang po kayo. A-ano po, ganito po kasi ako lalo na at mainit ang panahon ngayon." Pagdadahilan niya kasi alangan naman na sabihin niya sa binata na kaya naging ganun ang mukha niya dahil sa paghawak nito sa kanyang noo.

"Pero Ren, mukha ka nga'ng may lagnat. Halika, samahan na kita sa clinic." Singit naman ni Julia.

"No, Miss Torres, right?" Tumango naman ang kaibigan niya. "Ako na lang ang sasama sa kanya sa clinic. Pakisabi sa prof niyo na masama ang pakiramdam ni Miss Tesoro at kailangan na dalhin sa clinic." Agap ni Nate.

Nakakabanas na ang lalaki na ito! Iniiwasan na nga e! Shuta naman o!

Tumingin siya sa kanyang kaibigan at binigyan niya ito nang senyales sa pamamagitan ng kanyang mukha na nagpapahiwatig na wag itong sumunod sa gusto ni Nate.

Ngumiti naman sa kanya si Julia. "Okay po Sir. Sasabihin ko po na masama ang pakiramdam ni Ren." Pinandilatan naman ni Ren ang kanyang kaibigan na ipinagkanulo siya sa binata.

"Langya ka Juls!" She mouthed to her.

Nauna nang lumabas ang kanyang kaibigan at naiwan silang dalawa ni Nate sa apat na sulok ng silid na iyon.

"You're not ignoring me, are you?" Tanong nito.

"H-hindi ah!" Depensa niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon di ba?"

"Your actions speak louder than your words, Ren." Dagdag pa nito.

Kumunot naman ang noo niya at huminga ng malalim. "But not all actions speak louder than words Sir—"

"Nate. Kuya Nate. Nakalimutan mo na ba na magkakilala tayo?"

Ouch! Okay na siya sa Nate eh, pero bakit may kuya pa?

Tumikhim muna siya. "Huh?" Saka tumawa siya. "Pa'no ko naman makakalimutan yon? Eh, kapatid ka ng kaibigan ko eh. Kuya naman, wala naman akong amnesia." Kahit nga ang pagkagusto ko sayo, hindi ko pa rin nakakalimutan e. Nakakabanas na.

Nakatitig lamang sa kanya ang binata. Dama niyang may nais itong sabihin sa kanya pero napahugot lang ito ng malalim na hininga.

Kaya tinalikuran niya na ito at tinungo ang pintuan ng classroom nila.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt