CHAPTER 9

2.3K 91 100
                                    

"REN okay kana ba? Ang sabi ni Sir Philip, iniuwi ka daw ni Sir Nate dahil masyado na daw na namamaga ang talampakan mo. Nakakapag-worry ka ha. Pati si Gerald hindi makapag-concentrate dahil nag-aalala rin siya sayo. Okay kana ba? Bakit di ka muna mag-excuse kay Sir Nate?" Usal ni Julie saka tumingin ito sa kanyang talampakan na konti na lang ang pamamaga pero halata ang pangingitim dahil na rin sa kanyang angking kaputian. "Mag-excuse ka muna Ren, mukhang di ka pa okay e."

"O-okay na ako Julia. Salamat sa pag-aalala." Masuyo niyang ngiti sa kaibigan.

Hangga't maaari tikom ang bibig niya sa kung ano talaga ang nangyari sa bundok. Ang nangyari sa kanila ng kasintahan. Ehh! Di niya tuloy mapigilan ang mapangiti dahil sa loob-loob niya ay masyado siyang kinikilig. Pero kahit na ganun pa man, kailangan nilang mag-ingat ni Nate. Nakataya ang reputasyon at trabaho nito at alam niyang pwede itong matanggal kapag nalaman na may karelasyon ito, at estudyante pa nito. Or worse, siya naman ang ma-expel sa MD University.

Nakakapanghina kahit na naiisip niya pa lang iyon. Parang di niya kayang mangyari yon sa kanya. And she's scared to disappoint her Lola Carina. Because she knows how much her lola gave importance to her, and her studies. She knows that her lola is so proud of her. She's a dean's lister since the first year of her college life and she's doing her best for it not to be removed from her. She wants to stay as one of the dean's lister until the last day of her school in MD University. Until she graduate.

"Good morning class." Bati ni Sir Nate sa kanila.

Hindi niya namalayan na nakapasok na ito sa kanilang silid-aralan dahil naglalakbay ang diwa niya. Nag-iisip ng mga paraan kung paano mapapanatili ang kanyang matataas na grado ng hindi kailangan isakripisyo ang kanyang relasyon sa kasintahan.

"How are you feeling Miss Tesoro?" Tanong ni Nate sa kanya.

"Okay lang po ako Sir." Pormal na aniya sa binata.

Matiim itong tumitig sa kanya. Hindi alam ni Ren kung bakit pero biglang kumabog ang dibdib niya sa uri nang pagkakatitig nito.

"Good then. You will take your special exam this afternoon." Ano daw?

"A-ano po Sir? A-ano pong exam?" Tipid na ngiting tanong niya pero sa totoo lang naiinis siya. Bakit hindi man lang siya sinabihan nito?

"Lahat ng classmates mo ay exempted na sa examination sa subject ko at sa ibang subjects. Now. For you to meet your grades, you have to take an exam since hindi ka nakasali sa mga activities." Akmang magsasalita siya nang umangat ang kamay nito. "I know, i know. You were injured but I know you can make it and pass the exam Miss Tesoro." Paliwanag nito.

Narinig niya ang pag-che-cheer up sa kanya ng kanyang mga kaklase.

"Go Czaren, kaya mo yan." Wika pa ni Julia. "Ikaw pa!"

Napa-face palm na lang si Ren dahil hindi niya alam ang content ng mga exams. Gosh, you're dead Ren.

DAHIL buong maghapon ay may klase si Ren kung kaya't napag-usapan nila ni Nate na pagkatapos ng klase niya, dun pa lang siya mag-eexam.

Habang patungo siya sa office ni Nate ay narinig niyang tumunog ang phone niya.

"Just come here to my office now love. Madami akong ginagawa dito e."

Kaagad niyang itinago ang cellphone at tinungo ang office ni Nate pagkabasa niya sa text nito.

Nakakamangha dahil lahat ng teachers ay may kanya-kanyang office sa fifth floor ng paaralan nila. At kung may papipirmahan o kahit anong sadya sa mga guro ay di na nila kailangan pang tahakin ang hagdanan dahil may elevator naman na pwede nilang sakyan patungo sa top floor.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now