CHAPTER 12

2.3K 85 36
                                    

AS SOON AS Czaren finishes to pack her things up. She heard a sniff from her back. It was her Lola Carina. She heaved a sigh of a little frustration.

"La.." she called out then turned her back to her. "Kung hindi niyo gusto, please.. tell me. Kasi sa totoo lang, ayoko pong makita kayong nalulungkot." She embraced her.

Gumanti rin naman ng yakap ang kanyang lola Carina sa kanya habang may mumunting hikbi pa din na namumutawi sa bibig nito.

Di rin naman nagtagal ay bumitaw rin ito sa kanya at masuyong sinapo ang kanyang mukha. "Gusto ko din naman na matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, apo. Yung ikaw na ang magdedesisyon para sa ikabubuti ng buhay mo. Ayokong panghabang-buhay na ikulong ka dito sa isla kung alam ko naman na sa labas ay may mas maganda kang kinabukasan." Madamdaming anito.

"Bakit pinapayagan mo na ako ngayon 'la? Bakit noon, ayaw mo akong tumira sa siyudad?" Ren can't help but asked her grandmother who smiled at her.

"Kasi— hindi ko napagtapos ng kolehiyo ang 'yong ina.." napahinto ito sa pagsasalita dahil pumiyok ang boses nito. "Lahat nang ginusto ni Caren ay ibinigay ko. Pero problema ang dulot niyon sa akin. Hindi siya kontento sa buhay na mayroon siya dito sa isla kaya mas minabuti niyang maglagi sa siyudad. Hanggang sa—"

"— tama na 'La." Putol niya sa gusto pa sanang sabihin ng kanyang lola. "I.. I don't want to hear anything about her.." hindi ko pa kaya.. Please 'la, wag muna ngayon.. Bigla na naman sumagi sa isipan niya ang babaeng tumawag sa kanya no'ng isang taon, pero kaagad niya iyong iwinaglit sa isipan niya. Humugot siya ng isang malalim na hininga. "La, pa'no kung tumira ako sa apartment ni Nate? Papayag ka ba?" Ren nervously asked.

She's scared to know her grandmother's answer. Paano kung umayaw ito? Paano kung—

"Totoo? Magsasama kayo ng binatang yon?!" Biglang naging energetic ang tabas ng mukha ng kanyang Lola Carina.

"Bakit parang masaya pa kayo?" Di niya mapigilang itanong.

Umayos naman ng upo ang kanyang lola Carina at biglang pumormal. "Ha? Ako? A-ano. Hindi ah!" Biglang bawi nito pero halata pa rin sa mukha nito na nasisiyahan ito sa posibling kalabasan ng pagsasama nila ni Nate.

"Wee? Sure ka? Hindi ka masaya?" Pang-aarok pa niya.

Tinapik-tapik naman nito ang pisngi niya pero marahan lang. "Oo, medyo masaya ako dahil alam kong ligtas ka kay Nate. Kahit papano ay mapapanatag ako na siya ang kasama mo sa siyudad, apo.." malumanay na anito sa kanya.

But Czaren is still not convinced at it so she keeps on teasing her grandmother until she gave up at her.

"Oo na! Gusto ko nang magka-apo. Baka naman kasi.." Push pa more 'la.

Czaren hugged her grandmother again and this time it was such a tight embrace. She can't help but smiled and whispered, "If it's God's will 'La. I'll accept it wholeheartedly. You know that this world is so unpredictable. We'll never know what will happen in the near future.."

Kumalas naman ng yakap ang kanyang Lola Carina at nakasimangot.  "Apo sa tuhod lang naman ang hinihingi ko sayo. Kailangan mo pa talaga akong englishin? Batang 'to!"

Natawa na lang si Ren sa tinuran ng kanyang abuela. "Hay naku 'La."


"BAKIT PARANG MAY nagbago sa apartment mo, love?" Tanong ni Ren sa kasintahan habang inilalapag ni Nate ang kanyang maleta sa sala nito.

Nanigas na naman si Nate dahil sa sinabi niyang love kaya napatawa na lang siya. So adorable! Hanggang ngayon, hindi pa rin ito sanay na tinatawag niya itong "love". Well, kahit naman siya, naninibago rin nung una pero sanayan lang kaya nagawa niya na rin itong tawagin sa kung ano ang endearment nito sa kanya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Where stories live. Discover now