Nakaramdam ako ng takot sa mga sandaling 'yon. Ilang araw na lang at babalik na ako sa Maynila. Kung ganito ang araw-araw na pamumuhay ng mga kapatid ko at ni Nanay, mababaliw ako sa kakaalala.

At unti-unti, tumatatak sa aking isipan na baka ayaw nga talaga ni Tatay sa amin umpisa pa lang.

Nagtago ako sa may pinto at pinakinggan ang tahimik na hikbi ni Nanay sa kwarto nilang mag-asawa noong gabing 'yon. Nakikinig lang. Walang magawa.

"You can always come to me, Alunsina. Tutulungan naman kita, kahit ano pa 'yan."

I hugged my knees and doodled on the sand as Sergio braided my hair.

Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa pamilya ngayon. Galit si Tatay dahil wala na kaming pera. Si Nanay naman ay nagkasakit ng dalawang araw kaya ako ang pumalit sa kanya pansamantala sa trabaho.

"Don't get me wrong. Ilang beses ko nang gustong tulungan ka pero hinayaan kitang lumapit sa akin. Because I've always believed in you. But now that things got worse, you can always count on me," aniya.

His words touched my heart. But I don't wanna hear any of it. Gusto ko lang ipagpahinga ang utak ko ngayon.

"Why do you always call me 'Alunsina'? Bihira mo lang akong tawaging 'Wave'," pag-iiba ko ng usapan.

Tinali niya ang ginawang braid at naupo na sa buhangin, nakaharap sa malayang asul ng karagatan.

He scratched his forehead.

"People call you that. And I don't like calling you 'Marie'. Kaya... 'Alunsina' na lang," tahimik niyang usal.

"Other names, perhaps?" suhestiyon ko.

"I wanted to call you 'Ina' before. But," he stopped and frowned, "my baby niece is called 'Yna'. Ang dami nang ganyang pangalan sa buhay ko kung ganoon. Plus, she might grow up like you. Stubborn."

I hid a smile and thought about his words.

"Ayaw mong lumaki siya na kagaya kong maganda?" pang-aasar ko.

Umirap siya sa akin.

"She's already beautiful," aniya. "But I'd like her to grow up brave. Like you."

I grinned widely this time.

"That, I am!"

We spent the entire day on the beach in each other's comfort. It's funny how the waves mirrored the harsh, endless stream of thoughts on my mind. The only difference is that, here lies the setting sun. And tomorrow's gonna be another day for this sea. While mine will go on forever in the dark.

Sabay kami ni Sergio na bumalik ng Maynila. At pinilit niya akong ihatid kahit na pinapadiretso ko na siya sa condo niya dahil maaga pa siya sa school kinabukasan para asikasuhin ang SG.

Even here, alone in my apartment, my mind would always lead itself back to Basco. Nag-aalala ako kina Nanay at sa mga kapatid ko. God knows what my father will do if he lost his temper once again.

It took me back to the time when he punched me. Pinatawad ko na siya noon kahit wala akong natanggap na paghingi niya ng tawad sa akin. Maging sa pananakit niya kina Nanay at kina Alex, pinalampas ko kasi ayokong magkagulo pa.

Ngunit ngayon, kung dadapo pa ang kamao niya sa kanila, hindi ako sigurado kung mapapatawad ko pa ba siya.

"One, two, three! One, two, three!"

Balik na naman sa ensayo. The year's tougher for us, juniors. The pressure is passed to us, knowing that any of us will be chosen as Elites' captain for the next academic year.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now