Invisible 12: AINA

Start from the beginning
                                    

Tumagilid siya at naramdaman ko na pinagmamasdan niya ako.  "Don't wear too much make-up."

Tumingin ako sa kanya habang hawak ang eye liner.  "I won’t," nakangiti kong sabi at humarap na ulit sa salamin.

"You're beautiful."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.  Kinikilig ako sa simpleng compliment niya sa akin.  "Thank you!"

He winked at me.  And in return I gave him a flying kiss.

"Sweet," bulong niya.

--

Habang nasa sasakyan ay tumunog ang cellphone niya.  Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakaregister na pangalan.  "Ikey.  Ikey's calling you.  You want me to answer?"

Ikey is one of her friends. He has a lot of friends other than Swifty Rock.

"Hayaan mo lang 'yan. Baka hindi niya lang sinasadyang napindot ang phone niya," sagot niya lang habang nakatutok sa daan.  Medyo mabilis ang pagdadrive niya, sanay na lang ako kaya hindi ako natatakot.  May tiwala rin kasi ako kay Alex.

"You sure?"

"Yap.  I’ll call him later."

Tumigil kami sa isang restaurant para magbreakfast.  Nang maipark na niya ang kotse ay tinawagan na niya si Ikey.

"Hey, what's up, dude. Why?" Tanong agad ni Alex sa kausap sa phone.  Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa restaurant.

"What?  What?"  Nakakunot-noong tanong ni Alex.  Napatigil pa siya sa paglalakad.  "What?  Can you please speak up clearly.  I can't understand!"  Medyo malakas na sabi ni Alex sa kausap niya.

Napakunot-noo naman ako.  I wonder what they're talking about.

Parang nakarinig nang kung ano si Alex.  Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa kawalan habang unti-onting nahuhulog ang phone sa kamay.  Nagbigay ng malakas na ingay ang phone niyang bumagsak sa sahig.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso.  "Alex, what's wrong?" nag-aalala kong tanong.

Napatingin siya sa akin.  Still shocks on his face.  "So--son..."  May pumatak na luha sa mga mata niya.

Natigilan ako sa binanggit niyang pangalan.  Napabitaw ako sa kanya.  Ang tagal niya na ring hindi binabanggit ang pangalang iyon. Ang sakit pa rin talagang marinig iyon sa bibig niya.

"Naaksidente si Son.  I need to go to the hospital.  I need to see her.  God!" natataranta niyang sabi habang dinadampot ang phone niya.  "I'm so... I'm sorry but I need to see her.  I need to see her.  I'm sorry.  I'm really sorry, Aina."

Tumalikod na siya agad sa akin at dumiretso sa kotse niya.  Mabilis niyang pinaandar ang kotse.  Wala pang isang minuto ay hindi ko na makita ang kotse ni Alex.

Naiwan akong mag-isa sa parking area.  Hindi makagalaw.  Napangiti ako ng malungkot kasabay nang pagpatak ng luha ko.

Son.

Napailing ako.  Hindi.  Hindi dapat ako nag-iisip ng ikakasakit ng puso ko.  Naaksidente si Son kaya dapat lang na puntahan niya.

Pero damn!  Ang sakit!  Ang sakit-sakit.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako kaya napaupo ako sa gitna ng parking area.  Hindi ko na napigilang hindi umiyak.

--

"Aina!"

Napatingala ako at nakita ko si Leo.  Tumulo ulit ang luha ko nang makita siya.  "Leo!"  Niyakap ko siya nang makalapit siya sa akin.

"Anong nangyari?  Bakit ka umiiyak?"

Umiling ako.  "Sorry sa abala, ha?  Wala kasi akong ibang matawagan.  Pwede bang ihatid mo ako sa bar?  Ang sama kasi ng pakiramdam ko."

"Have you eaten?  It's almost twelve noon."

"Sa bar na lang ako kakain," mahina kong sabi.

Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay sa koste niya.  Nang makaupo ako ay pumikit ako.

Damn these tears!  Ayaw tumigil sa pagpatak.

"Aina, tell me what's wrong."

Umiling lang ako bilang sagot.  Ayokong sabihin sa kanya dahil doble ang sakit na mararamdaman niya kapag sinabi ko ang totoong dahilan.

Napahinga siya ng malalim at pinaandar na ang kotse.

"Alex," bulong ko. Ilang oras akong naghintay sa parking lot kay Alex.  Nagbabakasakaling balikan niya ako kapag nakita na niyang okay na si Son.  Pero kahit isang tawag o text ay wala akong natanggap mula sa kanya.

Kung maaksidente rin kaya ako.  Ganoon din kaya ang magiging reaction ni Alex?  Mag-aalala rin kaya siya sa akin?  Matataranta?

Pero alam kong kapag nasa parehong sitwasyon kami ni Son.  Walang pagdadalawang-isip na si Son ang pipiliin niyang puntahan.

Alam ko namang walang-wala ako kay Son.  Sadyang hindi ko lang mapigilang hindi masaktan at umiyak.

Nang tumigil ang kotse ni Leo sa bar at lumabas ako agad.  Nang makalabas ako ay napahawak ako sa dibdib ko.  Nakaramdam ako ng matinding pangingirot.  Hindi ako makahinga.  Pinagpapawisan ako ng malamig.  Napa-upo na ako dahil sa panghihina.

"Aina!" Sigaw ni Leo pero wala na akong lakas para sumagot sa kanya.  Nagdidilim na ang paningin ko.

"Aina!”

InvisibleWhere stories live. Discover now