Lihim akong napailing sa kaniya. Ano na naman kayang nangyari at bakit mukha na naman siyang galit?

Pinagmasdan ko pa siya hanggang sa makarating siya a sarili niyang upuan. Doon siya tumigil sa katabing upuan na siyang pwesto ko kanina. Kunot na kunot pa rin ang noo niya na animo'y handang maghanap ng away. Pero hindi naman mukhang pala-away si Kahel.

Nakita ko siyang kinausap ang isang lalaking katabi niya. Kinabahan naman ako nang bigla silang tumingin sa akin sa labas ng classroom. Kinabahan kaagad ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.

"Hinatid ka ba ng kuya mo?" Nagulat pa ako nang madatnan si Kahel na nakatayo na sa harapan ko. Nakababa ang tingin ko sa mga sapatos niya bago dahan-dahang nag-angat ng paningin. Napagmasdan ko ang maaliwalas na itsura niya habang nakasuot ng school uniform. Noon kasing wala pang pasok ay palagi lamang siyang naka-t-shirt o hindi kaya ay sando. Ngayon ay mas lalo siyang nagmukhang gwapo.

"H-hindi. Maagang umalis si Kuya kaya mag-isa lang akong pumasok-

"Ano?" Natakot ako nang makita ang galit niyang tingin sa akin. Napapaisip talaga ako kung ano na naman bang ginawa ko? Palagi kong ginugusto na magkausap kami ni Kahel ng maayos pero hindi nangyayari dahil halatang ayaw niya akong kausap. Iritado siya palagi sa akin. Kakausapin niya lang ako kapag papagalitan.

"B-bakit ba? Ayaw ko namang magpahatid pa kina Lolo. Saka kabisado ko naman papunta rito-

"Anastacia? Kahel? Bakit nasa labas pa kayo." Napatayo ako nang makita si Ms. Ladines na nagtatakang nakatingin sa amin. Napatingin ako kay Kahel na hindi nawala ang masamang pagkakatingin sa akin. "Pumasok na kayo."

Napatungo ako at sumunod na lamang kay Ms. Ladines papasok ng classroom. Tinawag niya pa ako para ipakilala sa unahan. Nahihiya ko namang sinabi ang pangalan ko lalo na at titig na titig sa akin ang mga kaklase ko. Iisa na lamang ang bakanteng upuan sa unahan kaya roon ako nagpasyang umupo.

Nagsimula ang klase kase kaya nilabas ko ang notebook para magsulat ng notes. Abala ako sa pagsusulat nang bigla akong kuhitin ng babaeng katabi ko. Namukhaan ko kaagad siya dahil isa siya roon sa grupo ng mga kabataan na nakita namin ni Kahel noong nagpa-enrol ako.

"May ballpen ka pa?" Tanong niya. Nahihiya naman akong tumango at ibinigay sa kaniya ang isa ko pang ballpen.

Nagpatuloy naman ako sa pagsusulat. Nakita ko ang katabi ko na nagpipinta lang ng kung ano sa notebook niya. Napabuntong-hininga ako. Ang akala ko pa naman ay magsusulat din siya ng mga lessons. Iyon pala ay magpipinta lang. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pakikinig. Napatingin ako ulit sa babae nang kausapin niya ako.

"Ang tahimik mo ano?" Pagpuna niya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano tutugon. Alanganin akong ngumiti sa kaniya. "Taga-saan ka?"

Bumaling ako muli sa kaniya bago sumagot. "Sa Manila ako galing. Kalilipat lang namin dito ng Kuya ko noong nakaraang linggo." tugon ko naman. Tumango-tango siya.

"Bakit magkasama kayo ni Kahel noong minsan? Magpinsan ba kayo?"

Umiling ako. "Eh ano? Nililigawan ka ba ni Kahel?" Ngumisi siya sa akin. Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"H-hindi, magkakilala lang kami ni Kahel. Pinakisuyuan siya ng Lola ko kaya niya ako sinamahan magpa-enrol." Ang hirap talaga sa mga ganitong pagkakataon. Paano ko sasabihin ang relasyon ko kay Kahel gayong hindi naman niya ako itinuturing na kaibigan. Literal na magkakilala lang talaga kami.

"Ah... okay." Nakangisi siyang tumango sa akin. Parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Ako nga pala si Vera. Kaibigan ko iyang si Kahel pati na rin iyong mga bugok na nakita mo noong lunes."

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now