HOUSEMATE

77.7K 572 91
                                    

All rights reserved © MsAngelHeart 2012

This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places. events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitionous manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not reproduce or retransmitted in whole or in part, in any manner, without the written consent of the author/writer.

***

HOUSEMATE [COMPLETED]

Date Started: December 29, 2012

Date Finished: August 26, 2013

***

(EDITED VERSION)

PROLOGUE

DALAWANG LINGGO mula ng ako'y tumuntong ng edad disi-otso halos ma-haggard na agad ako dahil hindi ako nakatikim ng isang buwan na bakasyon muna. Sobrang dami ng mga pinapagawa sa 'kin agad ni Papa dahil ako raw ang papalit sa kanya sa posisyon niya bilang CEO ng aming kompanya pagka-graduate ko. Sa totoo lang, mas gusto ko talagang mag aral sa London o sa Milan o sa Paris o sa New York because they are the Biggest four Fashion capitals of the world. Gusto ko kasi talagang maging isang sikat na Fashion Designer balang-araw. Subalit, hindi natupad dahil pagkatuntong ko agad ng kolehiyo ay tine-train na rin ako rito sa kompanya.

Lulan ng sinasakyan kong elevator ay may nakasabay akong limang empleyado ng kompanya na nagbigay galang naman sakin kanina at ngayon naman ay ilag na ilag silang madikit sa 'kin. Akala siguro nila ay mataray ako o takot lang siguro silang may magawang mali dahil anak ako ng may-ari ng V Empire. Kapag ako na ang naging CEO ng kompanyang ito, sisiguraduhin kong hindi sila gaanong makakaramdam ng takot pero syempre dapat alam parin nila kung saan sila lulugar. Kumbaga sa pagpapalaki ng mga magulang may tinatawag silang higpit at luwag.

Ngayon nga ay papunta na ako sa opisina ni Papa dahil may mahalagang sasabihin daw sila sa 'kin nila Lolo. Pagkabukas agad ng elevator ay nauna na agad akong lumabas at nilakad ang mahabang pasilyo patungo sa opisina ni Papa. Habang naglalakad ay ramdam ko ang mga binibigay nilang tingin sa 'kin. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang ako.

"Good afternoon, Ms. Villano. Your father and the Great Mr. Villano are waiting for you inside. You may come in now," nakangiting saad sa 'kin ng secretary yata ni Papa. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, parang ngayon ko lang kasi siya nakita. Beautiful face? Check! Red lips? Check! Body curves is on point? Check! Is her office uniform is neat? Check!

"What's your name? How long have you been here as a secretary of my father?" I asked with a straight face.

"I'm Loraine Gonzalo. The new secretary. Five days palang po ako rito," medyo mahinang sagot niya sa 'kin.

"Okay," sagot ko at sinenyasan ko na siyang buksan ang pinto. Kumatok muna siya ng tatlong beses. Pagkabukas niya ay agad akong pumasok sa loob.

Nakita ko agad sina Papa at Lolo na masayang nag uusap. Nang maramdaman na nila ang presensiya ko ay sabay silang lumingon sa akin. Lumapit ako kay Lolo para magmano at humalik sa kanyang pisngi, sunod naman kay Papa na hinalikan ko rin sa kanang pisngi.

"Take a seat, anak." Nakangiting sabi sa 'kin ni Papa ngunit nahimigan kong may panginginig doon. At may kung ano sa mga mata niya na hindi ko mawari.

Nagpalipat-lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Si Lolo na may lahing Filipino-Spanish at medyo may kapayatan na, pero bakas parin sa kanya ang mala-awtoridad na dating kahit na siya'y setenta na. Si Papa na halata parin ang pagkagandang lalaki at medyo singkit ang kanyang mga mata dahil nagmana siya sa Lola kong may lahing Chinese-Korean. Na minana ko rin dahil may pagka-singkit ang mga mata ko. May namana rin naman ako sa Mama ko, bukod sa pagiging purong Filipino niya, 'yon ay ang pagiging hospitable at masipag.

"Tatahimik lang po ba tayo rito hanggang magsiuwian lahat ng empleyado?" Untag ko sa kanilang dalawa. Nagtinginan sila at sabay na bumuntong-hininga. Bumaling sa 'kin si Papa.

"Anak, aware ka ba sa nangyayari ngayon sa kompanya? I mean, 'yong totoong nangyayari ngayon?"

"Anong totoong nangyayari? Hindi pa naman po siguro tayo bankrupt? 'Di po ba, 'Lo? And I'm aware that I will be the next CEO of V Empire." Ngumiti pa ako ng pilit sa kanilang dalawa. Dahil sa totoo lang, ninenerbyos ako sa pagiging seryoso nila ngayon.

"No, hija. Hindi pa talaga totally bankrupt ang kompanyang ito. Pero malapit na. And your father will be the one to explained that to you," seryosong pagkakasabi sa 'kin ni Lolo. Napatingin ako kay Papa ng siya'y tumikhim.

"Yes. It's true na malapit ng malugi at bumagsak ang V Empire anytime soon. Pero may paraan pa para maiahon ito. I'm sure you will not liked it, anak." Napasandal si Papa sa swivel chair niya at napabuntong-hininga ng ilang beses.

"And what is it, Papa?" Tanong ko dahil nag-aalala na ako sa mangyayari kapag naubos na lahat ng ari-arian namin.

"You're arranged to be married."

There! Literal akong napanganga sa sinabi ni Papa.



HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon