"Ikaw naman ang unang nakaisip. Sumunod lang ako," tunog nang-aakusa siya ngayon.

Umiling na lang ako.

Patungo ako sa kanila ngayon. Kaming dalawa sana ni Nana yang magkasama. Pero nagpaiwan si Nanay para raw hindi ako mahiyang samahan si Sergio. Personal kasi siyang pumunta sa bahay para sabihing may palalabhan na naman ang Senyora.

Nahiya ako, oo. Subalit hindi katulad noon, mas komportable na ako sa kanya. Mas naging komportable ako sa kung ano ako at sino ako.

"You've been smiling a lot lately," he muttered.

I turned to him. Nadaanan na namin ang malawak na tanawing puro kakahuyan at burol lang. A breathtaking sight, I must say.

"Bakit? Hindi ba ako palangiti noon?"

"Ngumingiti ka naman. Pero parang hindi totoo."

I shrugged, not really knowing how I should react to that.

Well, that was new. Siya lang 'ata ang narinig kong may nasabi tungkol diyan.

We reached their house. Nagpaalam ako agad para makapagsimula na sa gagawin. Sa ilang ulit ko na rito sa bahay nila, nakasanayan ko na ang mga bagay-bagay. Sergio would always watch me work from a distance. Minsan, tinutulungan niya ako kapag hindi nakatingin ang matanda nilang katulong.

I glanced at the backdoor. And I wasn't wrong. He was already there, smiling at me.

Ngumiti ako pabalik.

Isang linggo na lang at matatapos na ang bakasyon. Isang linggo na lang ng pagiging makasarili. Isang linggo na lang bago ako bumalik sa buhay kung saan ako nararapat.

I must do what I have to do. No matter what.

"Sige na, payag na ako. Basta't masisiguro ko na maayos ang lahat, Roberto. At walang sabit. Ayokong mahirapan 'tong mga anak ko kapag nagkataon."

I couldn't believe my ears.

Is this really happening?

"Kuya, alam kong wala kang tiwala sa akin. Pero sinisiguro kong sigurado 'to."

Tahimik kong sinara ang pinto at tumigil na sa pakikinig.

Nagbunga rin pala ang ilang ulit na pagbalik ni Tito Roberto rito sa bahay. At iilang mga sinasabi ni Nanay kay Tatay.

I can't believe it.

This is too good. This summer has been too good. Totoo ba 'to?

Kinailangan ko pang sampalin nang bahagya ang aking pisngi para masigurong hindi ako nananaginip.

Ang bumungad lang sa akin para kumpirmahin ang lahat ay isang mahigpit na yakap ni Nanay at matipid na tango ni Tatay.

Different scenarios flashed through my head. Pero nanguna roon ang isiping hindi ko na kailangang magbanat ng lahat ng buto sa katawan para itaguyod ang sarili at pamilya. At lalong hindi ko na kailangang makisama sa mga taong ayaw ko.

My eyes wandered to Sergio, who's now busy fixing his brooch into place.

Maybe... we have a chance.

Or... maybe not, after all.

"Lumalapit ka lang ba kay Sergio dahil may kailangan ka?"

Napalunok ako, hindi malaman kung ano ang gagawin.

Kaharap ko ngayon si Ma'am Felistina na nakaangat ang kilay sa akin. Yumuko lang ako.

That is partially true. Pero... pero pwede namang magbago ang lahat hindi ba? Pwede naman akong magbago?

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now