Agad ko namang hinalungkat sa bag ko ang cellphone ni Kai. Ng makita ko iyon ay pabalang kong inabot iyon sa kanya. Aish, dapat pala sinupalpal ko sa mukha nya yun.

“Woah easy!” pilyong sabi ni Kai habang ino-on ang phone nya.

“Dito mo na lang ako tawagan sa numerong ito.” Sabi ko tsaka binigay ang calling card kay Chen(Suho).

“WAAAAH!” biglang sigaw ng katabi kong si Kai.

“Oh bakit Kai? Hanggang ngayon ba ay nagugulat ka pa rin sa laki ng tenga ni Chanyeol?” tanong ni Tao(Chen).

“Hindi! Waaah! Yung mga videos sa cellphone ko nawala!”

Lihim na napatawa naman ako. Haha, binura ko leshe!

“Anong videos ba yun?” usisa ni Luhan(D.O).

“Uh, ano yung waaah! Aish basta! Ang hirap namang i-download nun.” Madamdaming sabi ni Kai.

Tila nagets naman agad iyon ng mga co-members nya kaya napatango lang sila.

“Ikaw ha bakit mo binura lahat? Nagtira ka man lang sana kahit isa.” nangingiting sabi ni Kai sa akin. Tinalikuran ko lang sya at hinarap si Baekhyun(Tao) na inaayos ang bag nyang Gucci.

“Chen hyung, pasahan mo na nga lang ulit ako.” Pangungulit ni Kai kay Chen. At ayun, nagpasahan na sila ng nevermind.

“Aish tigilan nyo nga yan. Anyway, Harriet ihahatid ka na namin sa tinutuluyan mo. Babalik pa kasi kami sa SMtown.” Baling sa akin ni Chen(Suho).

Sinabi ko naman ang address ko sa kanya. Sya kasi ang nagda-drive. Ilang sandali lang ay nakarating agad kami doon. Magiliw akong nagpaalam sa kanila.

Hay! Sana lang magwork ang plano nila, para matapos na ang gulong ito.

~

Luhan(D.O) POV

Aligaga ang mga tao ng makarating kami sa SMEnt building. Nakapagtataka naman na ganito ka-busy ang lahat. Parang may hinahabol silang deadline.

Dumiretso lang kami sa practice room namin at nagensayo. Doble kayod kami sa pageensayo lalo pa ngayon at hindi namin gamay ang katawang gamit namin.

Sumasayaw kami sa saliw ng growl ng pumasok si manager at hininto ang tugtog. Mukhang seryoso na naman sya, napansin ko naman ang hawak nyang nakarolyong poster.

“EXO. May gusto ba kayong sabihin sa akin? Wag kayong magsinungaling.” Seryoso nyang saad.

Nagkatinginan naman kami na tila nagbibigay ng signal.

Wag na kayong magkaila, alam ko na ang lahat!” mas seryoso nyang sabi.

Damn! We’re busted! Alam na nya ang sikreto namin.

“Manager, patawarin mo kami. S-sasabihin din naman namin sa iyo kaso humahanap lang kami ng tamang panahon.” Paliwanag ni Suho(Luhan) hyung.

“Sana sinabi nyo na lang sa akin ng hindi na umabot sa ganito. Alam na din ng CEO, naikwento ko na sa kanya ang buong pangyayari.” Malumanay na sabi ni manager tsaka umupo sa upuan malapit sa speaker.

“HA?”

“ANO?”

Kanya-kanya kami  ng sigaw ng marinig iyon. Nasabi na nya kay CEO ang sitwasyon namin. Malamang ay alam na rin iyon ng board.

“M-manager, magpapaliwanag kami, magagawan din namin ng paraan ito.” Depensang naman ni Chen(Suho) hyung.

Napabuntong hininga lang si manager tsaka bumaling sa amin.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now