EMEGED! Matutuloy na ba ang wish ko? Teka, dito talaga sa van? Natigil lang ang pagpapantasya ko ng magsnap sa harap ko si Baekhyun(Tao).

“Wag kang mag-ilusyon! Hinuhubad lang namin itong lintek na disguise.” Walang ganang sabi nya. Sya kasi yung katabi ko, nasa kanan ko naman si Chanyeol(Kai) na kanina pa nakatitig sa akin. Creepy!

Naghintay pa ako ng sandal hanggang sa tuluyan na nilang maalis ang disguise nilang outfit. Mga ilang jacket din siguro ang tinanggal nila, pati yung weird nilang buhok, yung makapal na kilay, bigote, salamin att kung anu-ano pa.

“Seriously? Nag-uling pa talaga kayo para lang magmukhang pulubi?” alangan kong tanong habang tinutusok ang pisngi ni Suho(Luhan), lumilipat kasi sa daliri ko yung charcoal.

“Yeah, and it’s not cool.” Matigas na sabi ni Kai(Kris) habang nagkakamot sa balat nya. Napataas lang ang kilay ni Tao(Chen) na nasa front seat.

“Wag mo kaming linlangin hyung! Hindi ka nga nag-uling kasi yang balat ni Kai ay sadya ng sunog! Natural na natural ang pagka taong-grasa nya! Hahaha!” tawang sabi ni Tao(Chen).

Pati ako ay napatawa na rin sa sinabi ni Chen. Napapokerface lang si Kai(Kris) habang si Chanyeol(Kai) naman ay napasimangot.

“Oh, anong sinisimangot mo dyan Kai? Maswerte ka ngayon dahil may kaputian si Yeol kaya lasapin mo na ang pagkakataon na makaranas ng maputing kutis!” patuloy ni Chen sa pangungutya, inirapan lang naman sya ni Kai. Tumawa naman ang ibang members.

Nagulat na lang ako ng mag-lean sa balikat ko si Chanyeol(Kai) tsaka niyakap ang braso ko. “Inaapi nila ako Harriet.” Puno ng hinanakit na bulong nya sa akin. I swear, nagka-goosebumps ako sa lalim ng boses nya!

“Hoy! Minamanyak mo na naman si Harriet!” sigaw ng nasa likod namin na si Sehun(Xiumin) sabay sinapok si Chanyeol(Kai).

Napa-aray naman si Kai dahil dun.

“Okay guys, be serious. Harriet tulad ng sinabi ko kagabi, may naisip na kaming paraan.” Seryosong sabi ni Chen(Suho).

“Ano naman ang naisip nyo?” usisa ko.

“As you can see, trainee na ulit kami pero we’re still artists of SmEnt. Hinahanda lang nila kami for our comeback. Now, may certain rules kaming pinirmahan sa kontrata ng maging official kaming artists. Ang naisip namin…”

“Ang naisip namin ay lumabag sa isa o higit pa sa mga rules na iyon na magbibigay sa amin ng force suspension. Sa time na yun, pauuwiin muna kami sa amin. Yun naman ang sasamantalahin namin para makabalik sa pilipinas.” Si Suho(Luhan) na ang nagtuloy ng sinasabi ni Chen(Suho).

Napa-awang lang ang labi ko sa sinabi nila. Kailangan ba talagang magrisk ng ganun? “T-teka, eh anong rule naman an ibe-break nyo? Hindi ba maririsk ang career nyo?”

Napasigh na lang ang iba sa kanila. “Kung hindi kami magririsk ay hindi na kami makakabalik sa dati. Isa pa, mas mahalaga naman ang makabalik kami kaysa sa doon. Kapag naayos na ang lahat, babawi naman kami kung bibigyan nila kami ng pagkakataon.”

Napayuko na lang ako sa paliwanag nila. Naaawa ako sa kanila dahil sa kalagayan nila. Hindi naman dapat sila nasa ganitong sitwasyon eh.

“Uh, kailan nyo balak isagawa ang plano nyo?” tanong ko ng makabawi ako sa lungkot.

Si Luhan(D.O) na ang sumagot sa tanong ko “Hindi pa namin alam. Kailangan muna naming humingi ng kopya ng kontrata para alam namin ang gagawin.”

“Sige. Hihintayin ko na lang kayo. Tawagan nyo agad ako.”

Ng masabi ko iyon ay tila bula na nagpop sa itak ko ang cellphone ni Kai. Ay leshe oo nga pala, nasa akin iyon.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now