CHAPTER 37

21 4 0
                                    




"Tita! What the fck is this?!", galit na tanong ko pagkauwi niya ng bahay. Matagal akong naghintay sa sala dala dala yung picture niya noong nagbubuntis palang siya. Kunot noo niya akong nilapitan saka tinignan ang hawak ko. Nabitawan niya ang dala dala nang makitang hawak ko ang picture niya.


"I-I can explain", nauutal na aniya. Nagsimula nanaman mangilid ang mga luha sa mata ko sa
hindi ko maipaliwanag na dahilan kaya napaiwas ako ng tingin. Nang lingunin ko siya ay nangingilid na din ang mga luha sa mata niya, gusto niya akong hawakan ngunit hindi niya magawa.


"I'm sorry, I will explain everything. I promise", aniya saka nagsimula nang tumulo ang mga luha na kanina pang nagbabadya mula sa mata niya. I don't know but I was too nervous about what she was going to say. Nasasaktan din dahil may posibilidad na yung nakasanayan kong pamilya ay baka hindi ko pa kadugo. Nanghihina tuloy akong napaupo sa sofa, dahan dahan namang umupo din si Tita.


"I- I was adopted by your grandma when I was 16", panimula niya. Hindi siya makasalita ng maayos dahil tinatantya niya pa ang sasabihin pati na din ang magiging reaction ko. I close my eyes and look away because of that, it hurts me by the thought of in 25 years of living in this world, I still don't have enough information about my own family?


"I used to be a beggar that time.. Your Grandmother was very kind during those times so when I asked her for food, she immediately made me live with them.", sinabi niya yun sa lenggwahe ng korean. Mabuti nalang at naintindihan ko dahil medyo nasasanay na rin ako kapag kausap si Yoon Gi. "Hindi ako pumayag noong una dahil nakakahiya at mukhang mayaman ang pamilya nila. She even said that I would be the youngest just in case and would be the only girl in the family. Your Aunt who lived in the Philippines hadn't been born that time so your Grandma was despirate to adopt me", hindi niya muna tinuloy para titigan ako. Nananatili lang akong nakikinig sa kanya, humihigpit ang hawak sa sariling kamay.


"Every day she visits me at the place where she first saw me.Providing me a food and new clothes, nakilala ko na din ang mga Tito mo nun dahil sumasama sila minsan pati ang Lolo mo"


"Hanggang sa isang araw, napag desisyunan kong sumama na sa kanila dahil alam kong wala ring patutunguhan ang buhay ko kung patuloy lang akong manlilimos sa lansangan", napangiti siya nun saka pinunasan ang sariling luha.


"Lee family are so kind to me. They treat me like a real daughter until Mika was born, your Tita who choose to stay in the Philippines than SoKor",


"When she was born, the whole family lost their attention to me except for your Dad, your Dad and I became closer and we always talked and agreed on things. We're like a perfect match because we understand each other very clear", napasapo siya sa mukha at napaiwas ng tingin.


"He confess his love for me the day my surname was changed into Lee", dagdag niya saka tuluyan nang naiyak. Napakagat naman ako sa labi at napaiwas din  ng tingin, hindi ko kayang tumingin sa kanya. "Sinubukan kong lumayo dahil alam kong bawal, dahil sa papel, magkapatid kami", dagdag pa niya habang pinipigilan ang hagulgol. Hindi parin ako makatingin ng deretso sa kanya dahil alam ko na ang patutunguhan ng usapan na ito.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now