CHAPTER 13

31 5 0
                                    



Habang nasa daan pauwi ay tulala lang ako habang iniisip ng mabuti ang mga kinwento sa akin ni Tito. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa dahilan kung bakit ganun si Mama. Bakit niya piniling lumayo? Bakit hindi niya pinaglaban si Papa kung siya naman pala ang mahal nito?


Nag flashback sa isip ko ang tanong ni Tito noong umpisa palang. "How will you react when you see your Dad happily living with another family?", ang akala ko ay magagalit ang una kong reaction ngunit ngayon ko lang napagtanto na si Mama ang may kasalanan kung bakit hindi sila nag katuluyan ni Papa.


My father is said to be a judge, but I don't know who he is, with the number of judges in the world .. I don't know which one is he.


Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay napahinto muna ako at nag isip. Kakausapin ko ba si Mama tungkol dito? O hahayaan nalang at susundin ko ang gusto niya. Sa pag iisip ay napaupo ako dahilan para mahilo, naparami na rin pala ang nainom ko doon. Yumuko muna ako saglit dahil sumasakit na rin ang ulo ko.


Naramdaman ko nalang na may bumatok sa akin kaya agad akong napatingala, mukha ni Mama ang bumungad sa akin at hindi pa ito nagsasalita pero ramdam ko na ang galit doon. Muling nag flashback ang mga kwento ni Tito sa akin, bigla ay nakaramdam ako ng lungkot para kay Mama. Pinalaki niya ako para sumunod sa yapak ng Tatay ko na hindi man lang alam na nag eexist pala ako.


Magsasalita sana si Mama ng bigla akong tumayo at mahigpit siyang niyakap. Dahil don ay nagulat siya, hindi siya nakagalaw saglit at tila naestatwa.


"A-Ang baho mo! Diba sinabi ko na sayong bawal ka uminom?! Imbis na pagbutihin mo nalang ang pag aa-"


"I'm sorry, Mama", I said softly to her as a reason for her to stop.


"Anong sorry nanaman? May ginawa ka nanaman bang katarantaduhan Aiden?! Nako ka talaga-" pumiglas na siya sa yakap ko pero hindi ko parin tinatanggal iyon.


"I'm going to study hard, I'm going to study Law, I promise" huling sinabi ko bago ko siya binitawan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat dahilan para magulat siya at mapakunot ang noo. Napaiwas siya ng tingin, ngumiti nalang ako saka siya binitawan at pumasok na sa loob.


I went straight to my room and cleaned my body then fell asleep ..


-


Lunes na ngayon, inubos ko ang oras ko noong weekend sa pagbabasa ng mga libro tungkol sa Law. Ngayon ko lang napansin na ang dami palang libro ang binili ni Mama para sa akin dati, partida mahirap lang kami nung mga panahon na yun.


Halos hindi na nga ako natulog para lang makapag basa ng mga iyon, binasa ko din ang nagdaang lessons namin para naman makasabay na ako sa Lunes. Mag seseryoso na talaga ako sa pag aaral, gusto kong maging proud din si Mama sa akin.


"Anak, almusal na!", simula ng sinabi ko kay Mama na ipu-pursue ko na ang Law ay nag iba ang turing niya sa akin. Tila spoiled na niya ako ngayon, binibigyan pa nga niya ako ng gatas kapag nag aaral ako sa gabi. Nakakapanibago pero mas gusto ko ito kesa sa nag aaway kami.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now