CHAPTER 34

19 4 0
                                    




Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa kaiisip sa offer ni Sir Brendon. Ngayon ay mukha akong sabog na nakatingin sa salamin, malaki ang eyebags at nangingitim pa. Naisipan kong manood ng mga makeup videos kaya maaga akong nagising para makapag ayos din.


I was wondering last night if I would accept his offer or not, kapag tinanggap ko kasi yun ay maililipat ako sa isang company at magiging model ng beauty products nila. We also talked yesterday that the salary is high. Hindi pa ako gaano mapapagod dahil mag po-pose pose lang naman ako don habang binabalandra yung make up ko.


In the end I decided to accept Brendon's offer. Sinabi naman ni Sir Oswyn na hindi siya mahihirapang humanap ng bagong photographer dahil tulad nga ng sinabi niya, madami ang naghihintay mabakante ang pwesto ko. Hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi man lang ako tumagal ng isang buwan, isang linggo lang at lilipat agad ako ng panibagong trabaho pero ayos na rin siguro yun para makaexperience ako ng bagong job.


Nang matapos akong mag ayos, I stared at myself in the mirror for a few more minutes. Siguro naman ay okay na ang ayos ko ngayon, simple lang ang lahat kaya mukha namang okay na 'to.


Pasipol sipol pa akong naglakad palabas ngunit pagsara ko palang ng gate namin ay napahinto na agad ako. There was another car parked in front of our house and it wasn't tinted so I could see the inside of the car. Walang tao sa loob nito kaya naisip kong baka nakiparada lang at sa kapit bahay naman pala.I was about to walk away when my cellphone rang so I stopped just to answer it. Nangunot ang noo ko ng makitang si Sir Oswyn yung tumatawag.


"Goodmorning, Sir", bungad ko.


("Did you see your car?"), tanong niya na ikinataas ng kilay ko. Mabilis kong nilingon yung kotse na nakaparada sa harap. Kulay puti na Kia yun, dahan dahan akong lumapit dun habang nasa kabilang linya parin si Sir. ("Do you like it?") tanong niya ulit. Mabilis akong umiling saka umayos ng tayo.


"Sir, alam ko pong mabait ka. Pero hindi ba parang sobra na ata kung bibigyan mo ako ng sasakyan?", bakas ang gulat at inis sa boses ko. Natawa naman siya.


("Who says I'm giving it to you? I'm just letting you borrow it for a while. Bring it back to me if you bought your own"), sarkastikong sagot niya. ("If I don't want you to be late, Brendon wants you to be there as early as possible before the call time. Use it and it's an order from your former boss. Take care and see you at my office") huling sinabi niya saka pinatay ang tawag. Hindi man lang ako hinintay na makasagot!


Dahan dahan kong nilapitan yung sasakyan at halatang bago pa! Sinubukan kong buksan at nagulat nang magbukas ito. Pati ang amoy ng sasakyan ay masarap sa ilong! Dahan dahan din akong umupo sa driver's seat saka hinimas himas ang steering wheel. Nakanganga ako habang ginagawa ko yun dahil hindi ko mapigilan ang mamangha. Kinapa ko ng susian at napangiti nang malawak nang makapa ko ang susi na nakapasak na doon. Nilingon ko ang backseat at ang linis talaga niya! Halatang bagong bago!


Fortunately, I was able to learn to drive before because a year after my mother died, our driver also left. Siguro ay wala na kasi kaming nabibigay na sweldo sa kanya. Doon kami lahat natuto magdrive at noong mag 19 kami ay sabay sabay kaming kumuha ng driver's license. Nasira yung sasakyan na yun one year ago kaya wala na akong magamit ngayon. Nasa junk na nga e.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now