CHAPTER 33

26 4 0
                                    




It's been a week since I started working. Hindi kami gaano nagkikita ni President dahil lagi siyang wala kaya yung kasama ko lagi sa pag shoot yung babaeng may gusto ata sa kanya.


Mabait naman yun pero naiilang ako sa tuwing tinititigan ako na tila kinakabisado lahat ng galaw ko. 


Inayos na nila lahat ng pictures na nakuha ko at nilagay na sa isang magazine.


Day off ko bukas kaya masaya kong ginagawa yung trabaho ko ngayon, naisip kong ayain sila Ah Ki kumain sa labas dahil namimiss ko na din sila. Wala parin kaming balita kay Natsumi kaya hindi ko maiwasang malungkot. Iba parin kasi kapag kompleto kami.


Kakatapos ko lang sa last shoot namin kaya pagod akong bumaba sa first floor dahil andun yung cafeteria namin. After ordering, I sat down at a table with a sigh.akong umupo sa isang table dun. Dahil sa tagal ng pagkain ay naisipan ko munang mag cellphone. Natigil lang iyon ng may umupo sa harap ko na agad ko namang nilingon.


"Hi", panimula niya. Ngayon ko lang siya nakita dito kaya hindi ko siya kilala, inisip ko kung isa ba siya sa mga assistant photographer ngunit hindi ko talaga siya mamukaan kaya tinanguan ko nalang saka nagpatuloy mag cellphone. "Alam mo, maganda ka", usal niya ulit kaya nagtataka ko siyang nilingon. Tinignan ko ang kabuoan niya at may itsura din naman siya ngunit mukhang malandi.


"Nilalandi mo ba ako?", prangkang tanong ko na ikinagulat niya naman. He stumbled for a moment then laughed and looked away. Tumikhim siya at tumingin ulit sa akin at ngumiti.


"Bakla ako, girl", aniya habang pinipigilan ang tawa kaya nanlaki ang mata ko. Tinignan ko ang ayos niya at mukha naman siyang hindi bakla! Saka yung salita niya kanina, lalaking lalaki! Napaiwas tuloy ako ng tingin saka tumikhim din na ikinatawa niya.


"Ako ang humahawak sa mga model dito. I'm the vice president actually", pagpapatuloy niya kaya agad akong nagulat at tumayo saka yumuko sa kanya bilang paggalang. Natawa naman siya saka sinenyasan akong umupo ulit. Naka dekwatro na siya ngayon at mukha na talaga siyang gay kung gumalaw! Bakit hindi ko napansin yun kanina?!Nakakahiya nanaman! "I heard binigyan ka ng trabaho ni Oswyn nang walang kahit na anong requirements na hiningi?", He asked which made me stunned. Nahiya naman ako at napaiwas nanaman ng tingin. May kinuha siya sa bag niya at naglabas ng magazine, nagulat pa ako nang makitang ang mga picture na nandun ay yung mga picture na ako ang kumuha! Napangiti ako at parang gusto ko nalang tignan yun lahat. 


"Well.. Magaling ka naman bilang photographer ngunit nanghihinayang ako sa ganda mo", dagdag pa niya kaya napalingon ako sa kanya. Bakas ang pagtataka ko sa sinasabi niya kaya nangunot ang noo ko. "I want to make you a model for my new products. Pwede din kitang gawing co-owner ng isa kong kumpanya na pang beauty products din. Y'know, masyado na akong madaming ginagawa kaya hindi ko na mahandle yung isa", kibit balikat na aniya. My eyes widened and as I couldn't believe it. Hindi ako nakasagot dahil don, may kinuha siya sa bag niya at inabot sa akin ang isang calling card. Akmang tatayo na sana siya at magpapaalam na nang biglang dumating si President Oswyn. Nakangiti naman siyang sinalubong ni Vice.


"What are you doing here with my photographer?", he asked coldly. Napatakip naman sa bibig si Vice President saka natawa at inaya siyang umupo. Sumunod naman si President.

Never Be ApartDär berättelser lever. Upptäck nu