CHAPTER 24

23 5 0
                                    



After I said that the whole car was silent, Ashden never looked at me again after that. I think he was surprised to the point he doesn't know how to react anymore. I just laughed at the thought.


Malapit na kami sa subdivision namin ng biglang pinahinto ni Ah Ki ang sasakyan. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya pati na din sila Haruki. Si Ashden ay napatingin din pero hindi bakas ang pagtataka sa kanya.


"Bababa kami dito, Kuya! Ingat kayo pauwi ah?", aniya sa driver kaya kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.


"Saan kayo pupunta? Sama", sabi ko. Humarap naman siya sa akin at pinakita ang hintuturo saka hinagayway, umiiling pa.


"Hindi pwede, kami lang nila Haruki", masungit na sagot niya sa akin. I sat up and stared at her intently.


"Kasama ako? San punta?", nagtatakang tanong ni Haruki kaya masama siyang nilingon nila Ah Ki. Ilang minuto siya hindi nagsalita at tila naintindihan ni Haruki ang tingin na iyon dahil kinalabit niya si Natsumi at sinenyasan na lumabas.


Napangiti naman si Ah Ki dahil doon saka lumingon ulit sa akin,  nababakas parin ang pagtataka sa mukha ko. Nag park na ang sasakyan namin kaya agad na bumaba yung dalawa habang si Ah Ki ay nananatili parin.


"Kuya Ashden, samahan mo si Yoo Ki ah? May pupuntahan lang kami saglit, di siya belong", pabulong na usal niya kay Ashden pero rinig ko parin. Tumingin sa akin si Ashden at tumango kaya napangiti nanaman siya. Napangiwi ako ng sabihin niyang hindi ako belong,  ano bang pinaplano ng mga to?


Pagbaba ni Ah Ki ay padabog niya pang sinara ang pinto saka binuksan ang pinto sa harap, sinabihan niya si Kuyang driver na mag ingat sa pag dadrive. Tumango naman ito kaya agad din niyang sinara at lumingon sa amin para iwave ang kamay upang mag babye.


Nang tuluyan ng umandar yung sasakyan namin ay nakasimangot akong umayos ng upo at tumingin sa bintana.


"What the fudge is wrong with them?", I whispered to myself.


"I think they are just going to do something important-" tumunog ang cellphone niya kaya napahinto siya sa pagsasalita. Nilingon ko siya sa likod at nakitang napangiti siya, nangunot ang noo ko. Nakangiti siyang nag type doon kaya pinagmasdan ko siya, batid kong hindi pa niya ako napapansin dahil patuloy lang ang pag ngiti niya.


Akmang titikhim na sana ako ng biglang mapaisip. Pinatigil ko ang sarili at umayos ng upo, bakit naman ako titikhim, anong dahilan? Para makuha ang atensyon niya?! Hell no, hindi ko gagawin iyon.


My bad trip increased because of that, throughout the trip I was just looking out the window. I feel like I can't no one can draw my face anymore because of the frown and snout.


Mabilis akong bumaba nang makarating kami sa bahay, dere-deretso akong pumasok. Nadinig ko pang tinawag ako ni Ashden ngunit hindi ko na siya pinansin.


I went straight to the couch and sat there.Bumuntong hininga ako at binuksan ang TV.  I suddenly miss my Mama so I thought of visiting her, what if bisitahin ko siya ngayon? Tutal wala naman sila Haruki dito at ang mokong na ito lang naman ang kasama ko.  Kakaupo ko palang ay tumayo na agad ako at pumunta ng kwarto para magbihis. As soon as I came out of the room, I saw Ashden just entering the house.Nagtataka niya akong sinuyod ng tingin kaya napataas naman ang kilay ko.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now